^

PSN Showbiz

Hindi gaanong umaasang makakatuluyan si Jake Ejercito: Andi palalakihin na lang ang anak na walang ama!

- Pilipino Star Ngayon

Kasama ng pagma-mature ni Andi Eigenmann bilang isang artista ang pagma-mature rin ng kanyang kaisipan. Kung dati ay hindi pa niya isinasara ang posibilidad na magkakilanlan ang kanyang anak at ang ama nito, ngayon ay nakabuo na siya ng desisyon na palakihin ang anak ng walang ama.

“Wala siyang ama. I’m not married,” ang mariin niyang tugon sa pangungulit ng press kung iimbitahin ba niya ang ama ni Elle sa first birthday nito na magaganap sa buwang ito.

Say pa ni Andi, gagawin niya ang lahat ng makakaya para protektahan ang anak sa mga intriga na may kinalaman sa ama nito.

Sinabi ng batang aktres na kung talagang nakatakda sila ni Jake Ejercito, kapalaran na ang makapagsasabi.

“Para sa akin ang susunod kong magiging karelasyon ay seryoso na. If we end up pagkatapos naming magampanan ng mga prayoridad namin, then so be it,” sabi pa ng young actress.

Manliligaw ni Kris kailangang dumaan sa butas ng karayom

Paano pa naman makakaisip na mag-asawang muli ni Kris Aquino kung ganyang kinukumpleto na ng dalawang lalaki ang buhay niya, sina Joshua at Bimby. Nag-Korea at Hong Kong sila nitong school break at Halloween at hindi naman siya nakaramdam ng pangungulila sa kawalan niya ng love life.
    Mahirap na kung sino man ang susunod na manliligaw sa Queen of All Media. Ang bunso niya ang unang-unang hahadlang. More than her parents and siblings, mahirap ang pagdaraanan ng manliligaw kay Kris. Napaka-seloso ng bunso nito. Okay ito nung musmos pa si Bimby pero ngayong nagkakaisip na, talagang daraan ang lalaki sa butas ng karayom. At magtagumpay man siya kay Kris, he will always be second best.

Bagong produkto parang hindi instant

My bagong produkto ang Lucky Me na talagang masarap. Ito ang Pancit Pala­bok nila. Hindi parang instant, parang gawang bahay kaya lang kailangan si­guro nilang dagdagan ang sauce nito para maging kumpleto ang kasiyahan ng mga bibili nito. Hindi tinipid sa noodles pero, dapat hindi rin tipirin sa sauce. Next time na gagawa ako, kailangan ko pang bawasan ang noodles para sumapat lang ang sauce.

Bangs Garcia may ibubuga na sa akting

Kung may napaboran ng husto sa naging mahabang takbo ng Kung Ako’y Iiwan Mo, ito ay si Bangs Garcia na talagang nabigyan ng husto ng pagkakataon na maipagpasikat ang malaking improvement niya sa acting. Isa rin siya sa maraming artista na nagsimula sa pagpapaseksi pero nagtapos sa pagiging aktres. Ngayon hindi na siya mababasta-basta. Hindi lamang siya sa pagiging kontrabida maaasahan, puwede rin siya sa drama na tulad ng ipinamalas niya sa serye, puwede sa comedy tulad ng ginampanan niya sa Segunda Mano at The Reunion. Biruin mo, sexy na, all around pa!

Samantala, magi-ending na pala ng Kung Ako’y Iiwan Mo.

I’m sure marami ng makaka-miss kay Bangs na natulungan ng mga co-actor niya para mag-shine sa nasabing serye.

ANDI EIGENMANN

BANGS GARCIA

BIMBY

HONG KONG

IIWAN MO

JAKE EJERCITO

KUNG

KUNG AKO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with