^

PSN Showbiz

Sunshine Dizon hindi naitago ang taba

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang Sarap Diva ang first TV appearance ni Sunshine Dizon mula nang isilang niya ang second baby nila ng kanyang nonshowbiz husband.

Kasabay ni Sunshine si Katrina Halili sa guesting nila sa cooking show ni Regine Velasquez. Parehong mataba pa ang dalawa dahil hindi madali ang magpapayat. Kulay black ang outfit ni Sunshine para hindi mahalata ang unwanted pounds sa kanyang katawan.

Noong hindi pa siya nagpapakita sa publiko, kumalat ang tsismis na lilipat si Sunshine sa TV5 kapag nagbalik-showbiz na siya. Mali ang tsismis dahil sa GMA 7 ang unang TV appearance ni Sunshine na loyal Kapuso mula pa noong bagets pa siya.

Hindi kaagad nakabalik sa showbiz si Sunshine matapos isilang ang panganay na anak dahil ipinagbuntis niya agad ang kanyang second baby.

Birthday ni Gov. Vi hindi nalilimutan ng fans!

Ngayon ang kaarawan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto kaya nakikiisa ako sa mga tagahanga niya na bumabati sa kanya ng “happy birthday!”

Hindi ko alam ang mga plano ngayon ng Star For All Seasons pero hindi nalilimutan ng kanyang fans ang special day niya.

May mga Vilmanian na nagpadala sa akin ng e-mail dahil ipinapabati nila ng maligayang kaarawan ang kanilang idol. Isa si Ronualdo Gabaldon ng Dubai, U.A.E. sa mga nag-effort na padalhan ako ng email: 

“I have been your avid reader since 1980s sa napakarami mong columns noon pa man. Until now ay binabasa ko pa rin ang iyong mga articles online specially kapag ang subject mo ay ang idolo kong si Vilma Santos. Kahit isa na akong OFW at nasa labas ng Pilipinas, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi nakabasa ng column mo sa Pilipino Star Ngayon. Maaari ba akong mag-request na pakibati ng happy birthday ang aming nag-iisang idolo na si Queenstar for All Seasons Ate Vi? Marami po ka­ming Global Vilmanians dito sa Dubai, United Arab Emirates. Thanks a lot in advance and more power!”

Kapatid ni Kristine Hermosa ligtas sa network war

Napapanood sa Cielo de Angelina ng GMA 7 si Kathleen Hermosa na kapatid ni Kristine at kasali rin siya sa cast ng Precious Romances Presents: Paraiso ng ABS-CBN.

Starring si Maritoni Fernandez sa A Beautiful Affair ng ABS-CBN at cast member siya ng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa ng Kapuso Network.

Ano ang type ko na ipunto? Sosyal ang mga character actor dahil hindi sila apektado ng network war. Dalawang beses silang napapanood sa mga teleserye ng magkakalaban na network. I’m sure, may iba pang mga artista na namamangka sa dalawang ilog pero hindi ko lang napapanood.

Samantha Lopez at American husband nilayasan ang bahay sa NY

Iniwanan ni Samantha Lopez at ng kanyang American husband ang bahay nila sa New York dahil kay Hurricane Sandy.

Napilitan ang mag-dyowa na mag-check in sa hotel dahil walang kuryente at tubig sa kanilang tirahan. Nagpapasalamat si Samantha dahil naka­hanap sila ng hotel na pet friendly dahil isinama nila sa pag-evacuate ang kanilang mga alagang aso. Maganda ang hotel na pansamantalang tinigilan ng mag-dyowa dahil katabing-katabi ito ng St. Patrick’s Cathedral sa New York City.

Isa lamang si Samantha sa mga Pinoy celebrity na nakaranas sa lupit ni Hurricane Sandy. I’m sure, may sariling kuwento sina Raymond Gutierrez, Beth Tamayo, at Dindi Gallardo tungkol sa kalamidad na nanalanta sa New York.

vuukle comment

A BEAUTIFUL AFFAIR

ALL SEASONS ATE VI

ANG KUWENTO

ANG SARAP DIVA

DAHIL

HURRICANE SANDY

NEW YORK

SAMANTHA LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with