Masalimuot na kuwento nina Shaina at Jake tatapusin na
MANILA, Philippines - Sa Nobyembre 16 (Biyernes) na ang finale ng isa sa pinakamatagumpay na afternoon series ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo. Mula nang umere ang Kapamilya Gold teleseryeng pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Bangs Garcia, Ron Morales, at Jake Cuenca noong Abril, patuloy na itong mainit na sinuportahan ng afternoon televiewers, dahilan upang ma-extend ito. At matapos ang halos pitong buwan na pagsubaybay ng buong sambayanan, nakatakda nang magtapos ang masalimuot na kuwento ng magkakaugnay na buhay nina Sarah (Shaina), Paul (Jake), Rino (Ron), at Mia (Bangs). Sa huli, ano nga ba ang mananaig-ang pag-ibig na itinakda o ang matinding silakbo ng pusong naghihiganti?
- Latest