^

PSN Showbiz

Usapang Koleksiyon pag-uusapan sa Life and Style

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karaniwang bawat isa sa atin ay may mga bagay na itinuturing na paborito.  At dahil nga gusto natin ang mga ito’y ating itinatago at ginagawang koleksiyon.

Sa Life and Style With Ricky Reyes ngayong Sabado, alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga ay itatampok ang iba-ibang istorya ng mga taong tinatawag na kulektor.  Ipakikita rin ang iba-ibang bagay na sininop dahil ang mga ito’y nagbibigay daw sa kanila ng kaligayahan at inspirasyon sa buhay.

Papasyalan ng host-producer na si Mader Ricky ang iba-ibang koleksiyong personal na gaya ng laruang kotse, manyika, Hello Kitty items, sapatos at make up. Pati na ang mas mamahaling mga branded na bag, alahas, sasakyan, gamit pambahay at kasangkapan.

“Magugulat kayo dahil matutuklasan ninyong merong mga taong lumiligaya kahit sa simpleng bagay.  At meron namang mga tao na ang mga bagay na halos isang kayamanan na ang halaga ang kinasisiyahan.  Sabi nga ng mga bagets – walang basagan ng trip.  Kaya igalang natin ang ibang taong may kakaibang hilig at koleksiyong naiibigan,” sabi ni Mader RR.

Ang Life and Style ay produksiyon ng ScriptoVision at umeere sa GMA News TV.

ANG LIFE AND STYLE

HELLO KITTY

IPAKIKITA

KARANIWANG

KAYA

MADER

MADER RICKY

MAGUGULAT

SA LIFE AND STYLE WITH RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with