^

PSN Showbiz

Georgina nakaligtas sa Hurricane Sandy

ABOUT SHOWBIZ - Pilipino Star Ngayon

Nasa Los Angeles, California si Georgina Wilson ngayon para dalawin ang inang based doon. Mabuti at hindi pa sila nakakalipad ng pinsang si Isabelle Daza for New York dahil balak nilang magbakasyon. Kung nagkataon, naranasan nila si Hurricane Sandy.

Bago umalis, tinapos muna nito ang launching niya bilang 2012 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel. Tsika sa amin, super hands on ang dalaga sa pic­torial at siya na yata ang calendar girl na nag-pictorial na gumamit ng pinakaraming bikinis.

Iba ang ginamit na bi­kinis ni Georgina sa wear test at iba sa final shoot. Nag-cooperate ito ng hus­to sa pictorial dahil gus­tong maganda ang lu­mabas at kasama rin siya sa mga namili ng pictures na ilalabas sa poster.

Joross napangatawanan ang pagiging ‘bakla’

Sa trailer pa lang, nagmarka na ang karakter ni Joross Gamboa sa Suddenly It’s Magic bilang si Sam, gay friend ni Erich Gon­zales. Ang galing nitong magbading, kaya mag-ingat ang ibang aktor na gumaganap din na mga bading sa movies at TV shows dahil may bago silang kakompentensiya.

Nalaman sa presscon na gustong kasama nina Mario Maurer at entourage nito si Joross dahil siya ang unang lumapit at nakipag-usap sa grupo ng Thai actor na tahimik sa simula ng shooting. “Ako ang bumangka and after that, good vibes na sa set.” kuwento ni Joross.

Sa direction ni Rory Quintos, showing sa 150 thea­ters nationwide ang Suddenly It’s Magic ang la­test rom-com movie ng Star Cinema.

Samantala, willing pa rin si Joross na makatrabaho si Cristine Reyes kahit ti­nang­gihan siya nitong makasama sa ABS-CBN soap na Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ang alam ni Joross, okey sila ng aktres at nagbabatian pa ‘pag nagkikita sa Alabang Town Center, kaya nagulat ito nang malamang ayaw siyang makasama nito dahil ‘di pa raw ready na makatrabaho siya dahil nagkaroon sila ng MU. Pinapalitan si Joross kay Rayver Cruz sa serye next year pa eere.

Gloria at Eddie first time magtatambal sa serye!

Pagkatapos mag-guest for one week sa Cielo De Angelina, sa Aso Ni San Roque naman papasok si Ms. Gloria Romero.

Si Ms. Gloria ang gaganap na misis ni Eddie Garcia bilang Director General Maximo Aragon. Kundi kami nagkakamali, first time magsasama sa soap ang dalawang magagaling na veteran actors.

Robin at Cesar tuloyang pagsasama sa pelikula

Kabilang si Robin Padilla sa maraming guests sa Gabay Guro at nagkita-kita sila sa dressing room na aming pinuntahan - nina Cesar Montano, Derek Ramsay at Aga Muhlach. Puro big stars ang nakita namin, hindi tuloy namin napansin kung nagbatian sila.

Ang nakita namin, nagbatian sina Robin at Cesar Montano at nag-usap sa gagawin nilang pelikula. Na­alala namin, nabanggit last year ni Cesar na may ga­gawin silang pelikula ni Robin sa Viva Films na hindi na tuloy pero sa nari­nig namin, mukhang desidido na ang da­lawa na magsama sa isang big movie project.

Sa suggestion ng press na gumawa sila ng mala-Expandables movie ang da­lawa at isama ang iba pang action stars at kahit hindi action star. “”Maganda ‘yun” ang sagot ni Cesar at “mahal ‘yun” ang sagot ni Robin.

AGA MUHLACH

ALABANG TOWN CENTER

ASO NI SAN ROQUE

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CALENDAR GIRL

CESAR MONTANO

CIELO DE ANGELINA

JOROSS

SHY

SUDDENLY IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with