^

PSN Showbiz

Ramgen naka-isang taon na pero wala pa ring nahuhuling suspek!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Hindi nagpainterbyu si Aljur Abrenica sa TV crew ng TV5 nang panoorin niya ang awards night ng Artista Academy sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado dahil humarang ang kanyang handler na nagpaliwanag na hindi puwedeng interbyuhin ang aktor.

SCENE : Ang pahayag ni Jolo Revilla na special sa kanya si Jodi Sta. Maria sa tapatan nila ni Jay Lacson sa Mano-Mano, ang Sunday evening show ni Anthony Taberna sa Studio 23. Si Jay ang ex-brother-in-law ni Jodi at kalaban ni Jolo sa  2013 vice gubernatorial race sa Cavite.

SEEN : Pinalalaki ang isyu na may kinalaman ang pagiging Cojuangco ni Sophie Albert kaya ito ang nanalo ng best actress award sa Artista Academy.

SEEN : Si Rafael Rosell ang tinanghal na unang celebrity winner ng Extra Challenge, ang nagbabalik-telebisyon na reality show ng GMA 7.

SCENE : Iilan ang nakaalaala na kahapon ang unang anibersaryo ng pagpatay kay Ramgen Revilla sa sariling bahay nito sa Parañaque City. Unsolved pa rin ang murder case ni Ramgen.

SEEN : Si Rich Alvarez sa studio ng Party Pilipinas noong Linggo dahil sinamahan niya si Kyla na inamin sa TV na tatlong buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis niya.

SCENE : Ngarag ang hitsura ni Lian Paz sa guesting niya sa HOT TV noong Linggo dahil sa mga problema na pinagdaraanan niya. Apektadung-apektado si lian ng balita na may ibang babae ang kanyang asawa na si Paolo Contis.

SEEN : Si Claire dela Fuente ang manager ni Yam Concepcion, ang baguhang sexy star na ibi-build up ng Viva Films. Si Yam ang lead actress ng sexy movie na Rigodon.

 Scene : Aksidente lamang ang pagpapalabas ng ABS-CBN sa eksena ni Derek Ramsay sa trailer ng A Secret Affair.

Hindi na ipinapalabas ng ABS-CBN ang trailer na kasali ang eksena ni Derek.

A SECRET AFFAIR

ALJUR ABRENICA

ANTHONY TABERNA

ARTISTA ACADEMY

DEREK RAMSAY

EXTRA CHALLENGE

JAY LACSON

JODI STA

JOLO REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with