^

PSN Showbiz

Pakontes sa isang network, may ‘totoong’ nanalo?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Bukod daw sa dalawang nanalo sa isang malaking pakontes sa TV, may mas nanalo raw. As in siya ang pinaka-wagi dahil bukod sa nanalo ang mga manok niya, kumita pa raw ito ng malaki.

Imagine hindi raw natuloy ang isang programa at nauna pa ang natapos na programa bilang malakas nga raw ito si Ma’am sa may-ari ng network.

Ito kaya ang rason kaya after ng pakontes, ang reaction ng mga tao alam na raw nila kung sino ang mananalo?

Oww. Baka naman duda lang nila ‘yun.

Finale ng Walang Hanggan humataw

Hanggang sa huli, namayagpag ang Walang Hanggan sa national TV ratings at maging sa worldwide trending topics ng sikat na microblogging site na Twitter.

 Ayon sa datos ng Kantar Media noong Biyernes (Oktubre 26), no.1 sa listahan ng overall top programs nationwide ang finale episode ng teleseryeng pinagbibidahan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa, Melissa Ricks, Joem Bascon, Paulo Avelino, Julia Montes, at Coco Martin naka-45.4% national TV ratings.

Bukod sa ratings, naghari din daw ang phenomenal finale ng Walang Hanggan sa Twitter kung saan naging worldwide trending topics ang mga hashtag na #WalangHangganFinale, Katerina, Paulo Avelino, at RIP Daniel dahil sa rami ng tweets tungkol sa magkasunod na pagkamatay ng mag-asawang Daniel (Coco) at Katerina (Julia). 

Ang iniwang timeslot ng Walang Hanggan ay ino-okupa ng Ina Kapatid Anak.

Ang isa lang napansin ko sa ending, parang pagod na pagod si Coco sa kanyang mga eksena. Maging si Julia ay kita na sa mukha na ang daming pimples dahil siguro sa puyat.

Sen. Koko, ‘niyari’ ang mga zombie

May reminder si Sen. Koko Pimentel ngayong panahon ng Undas sa mga nagpapanggap na zombie na napapanood sa YouTube. Kinunan ito sa Bagong Barangay kung saan nakapila ang mga magre-rehistro sa elections. Pero nang makita ng mga taga-COMELEC, zombie pala ang mga ito.

Maraming ganitong mga nangyayari kaya naman, naisipan ni Sen. Koko na gawin ang nasabing commercial para paalalahanan ang mga tao at nang maiwasan na ang dayaan.

“Zombie votes, pandaraya yan! Pag ‘di ka nagpa-rehistro, parang nagpadaya ka na rin. ‘Di lang ng mga buhay. Pati din ng zombie vo-ters. Use your Kokote. Register and vote well. Kundi, patay! Nadaya na naman ang Pilipinas,” sabi ng senador na bagong hiwalay sa asawa.

Actress, hindi dumarami ang followers sa Twitter

Hindi na masyadong pinapansin ngayon ang pag-e-emote ng isang actress sa Twitter.

Kahit anong sabihin, hindi na gaanong pinapa-tulan ng mga follower niya.

Parang nasanay na rin ang mga nakakabasa sa mga emote niya sa buhay.

Pero ang napansin ko, hindi na masyadong nadadagdagan ang followers niya. Mabagal ang pagdami.

Samantalang si Anne Curtis, halos 4 million na ang followers.

Ang isa kong kakilala dati siyang pina-follow pero bandang huli ay tinantanan na niya ang pag-follow dito sa actress. Parang nagsasawa raw kasi siya sa mahahabang tweets nito at sa pagiging emotera nito.

Bukod sa Twitter, dumarami na ngayon ang mas gusto sa Instagram, isa ring social networking site.

Mas madaling makita rito at walang masyadong nega.

Sa Amerika raw, nabawasan ang raket ng mga paparazzi dahil hindi na nila kailangang mag-spy sa mga sikat dahil may kanya-kanya na silang Instagram account at sila na mismo ang nag-a-upload ng mga photos ng mga ginagawa nila (mga sikat na artista).

Dito sa atin, isa sa super suki ng Instagram si Regine Velasquez, Kris Aquino, at marami pang iba.

Though may twitter account sila pero mas madaling makita sa Instagram.

 

 

ANNE CURTIS

BAGONG BARANGAY

BUKOD

COCO MARTIN

DAWN ZULUETA

HELEN GAMBOA

INSTAGRAM

PAULO AVELINO

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with