^

PSN Showbiz

Kababalaghan o kapalpakan sa mga killer highway, iimbestigahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapag maraming naaaksidente sa isang kalsada, madalas ang sinisisi mga nagpapakitang multo o anumang engkanto. Pero ang totoo, ang kakulangan at kapalpakan ng kalsada at mga iresponsableng mga nagmamaneho ang problema talaga nito.

Iyan ang sisiyasatin ni Anthony Taberna ngayong Lunes (Oct 29) sa Halloween episode ng XXX.

Aalamin ni Anthony ang tatlo sa mga nabansagang killer highway sa Metro Manila at kung ano nga ba ang dapat gawin para masolusyunan at maiwasan ang aksidenteng nagaganap dito.

 Habang tinututukan ni Anthony ang kanyang ex­pose, iimbestigahan naman ni Julius Babao ang kababalaghan sa isang mansiyon sa Binangonan, Rizal gamit ang pinaghalong tradisyunal at makabagong aparato kasama ang Philippine Paranormal Investigators Society at kilalang psychic at DZMM host na si Stargazer.

Samantala, kakalap naman si Pinky Webb ng mga larawan at video na nakahuli umano sa pagpaparamdam ng mga kaluluwa. Kababalaghan nga ba ito o siyensiya?

 

AALAMIN

ANTHONY TABERNA

BINANGONAN

HABANG

IYAN

JULIUS BABAO

KABABALAGHAN

METRO MANILA

PHILIPPINE PARANORMAL INVESTIGATORS SOCIETY

PINKY WEBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with