John Lloyd magic ang naramdaman kay Angelica!
MANILA, Philippines - Inamin na ni John Lloyd Cruz may relasyon sila ni Angelica Panganiban nang mag-guest siya sa The Buzz kahapon. “It is something na hindi namin ine-expect. Parang bigla na lang, saan galing ito, saan galing iyon? Suddenly it’s magic. But seriously, iyon talaga ang nangyari.”
Pero hanggang doon lang ang gusto niyang pag-usapan.
“Ang sa akin ‘yun lang. Pero ‘yung pag-usapan openly about it, medyo may discomfort,” pag-amin pa ng actor kahapon sa presscon ng pagbabalik tambalan nila ni Bea Alonzo sa primetime TV, ang A Beautiful Affair na magsisimulang umere ngayong gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Bakit may discomfort kay Angelica?
“Wala lang naman. Ito lang ‘yung pinipili ko ngayon, namin. Wala naman kaming dini-deny or mayroon kaming itinatago. Makikita mo kami kung saan-saan
“‘Yun naman ang ibig sabihin na wala kaming itinatago. Pero ‘yung para pag-usapan pa at bigyan ng detalye ang aming relasyon at ang aming mga plano, eh siguro, it’s something na gusto naming sa amin na lang,” malinaw naman niyang sinabi.
Ang importante ayon sa actor, masayang-masaya siya.
“We’re just enjoying kung nagkakaroon kami ng pagkakataon to get together and spend together with her family, ‘yung side niya, side ko. Napaka-relax kasi. Wala, masaya lang, enjoy lang, enjoy n’yo lang ‘yung moment.
“Walang pressure, napakagaan, napaka-fluid,” dagdag niya na nasa hitsura nga ang kasiyahan sa relasyon nila ni Angelica.
Meaning noong sila ni Shaina Magdayao, hindi siya ganyan kaligaya?
Well, hindi naitanong ‘yun…Hahaha.
Anyway, sampung taon mula nang ilunsad ang kanilang love team ni Bea na mapapanood na nga sa romantic teleserye na A Beautiful Affair .
Makakasama nila sa serye si John Estrada na isa rin sa mga bida.
Maituturing na isang ‘full–circle project’ ang A Beautiful Affair dahil sa muling pagsasama ng mga taong bumuo sa tambalang John Lloyd-Bea sa kanilang unang Kapamilya teleserye, ang Kay Tagal Kang Hinintay – ang business unit head na si Laurenti Dyogi na dating direktor ng naturang serye, at ang direktor na si Katrina Flores na dati’y nagsilbing headwriter nito.
Binubuo rin ang cast nina Dimples Romana, John Arcilla, Jaime Fabregas, Maritoni Fernandez, Ana Roces, Janus del Prado, at Megan Young kasama sina Jim Paredes at PBB Unlimited Big Winner Slater Young.
Nag-taping sila sa Austria ng almost one week para sa serye.
Pamilya ni Vin hindi na magrerenta ng bahay, Sophie Albert dating alaga ng Star Magic
At least hindi na magrerenta ng bahay ang pamilya ni Aljur Abrenica.
Ito ay matapos tanghaling Best Actor ang kapatid niyang si Vin sa Awards Night ng Artista Academy, ang pinakamalaking talent search ng TV5, na ginanap sa Araneta Coliseum last Saturday night.
Kasama kasi sa package na P10 million ang isang condo unit sa may area ng Parañaque sa napanalunan ni Vin. Bukod sa condo, tatanggap din siya ng P1 million cash, isang brand new car at ang the rest na mga P5 million ay kontrata sa TV5.
Matagal nang nagrerenta ng town house sina Aljur at Vin kasama ang kanilang mother na dito na sa Manila naka-base. Ang father naman nila ay nasa Batangas, namamahala sa resort kung saan nag-invest si Aljur. Sinabi ni Vin na hiwalay na ang kanyang parents.
Si Sophie Albert na tinanghal namang Best Actress ay dati palang alaga ng Star Magic. So hindi na pala talaga siya baguhang maituturing.
Ibang pangalan lang daw ang ginagamit nito noon – Bianca Reyes.
Pero nang sumali sa Artista Academy, Sophie Albert ang ginamit.
Pareho sila ni Vin nang napanalunan na worth P10 million package.
Dinagsa ng fans ang ginanap na Awards Night at talagang-kanya-kanyang ingay ang mga ito. Ang lakas pala ng dating ng anim na Honor Students na natira sa labanan.
Meron na agad silang programa sa TV5 at instant ambassador ng Close Up ang dalawang nanalo.
Nagkaroon na agad sila ng announcement na magkakaroon ng bagong edition ng Artista Academy, for Tweens naman early next year.
Kasama sa Honor Students sina Akihiro Blanco, Chanel Morales, Mark Neumann, Shaira Mae na dumaan sa training sa Asian Academy of Television Arts (AATA) na pinamamahalaan ni Ms. Wilma Galvante, dating executive ng GMA 7 at nagsilbi ring hurado.
Ay present nga pala si Aljur last Saturday night sa Araneta.
- Latest