Barbie at Derrick minamadaling magka-inlaban
Nagsisimula nang lagyan ng anggulong romansa ang pagtatambal nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Tulad din nang ginawa nun kina Barbie at Joshua Dionisio. Tuloy nahihirapan sila sa kanilang paghihiwalay. Eh, wala namang permanente sa showbiz, lahat ay nagbabago, nag-iiba. Hihintayin pa ba natin na ma-at home sina Barbie at Derrick at masaktan kapag pinaghiwalay din sila?
Tama na muna ‘yang pagma-math-match. Kung may chemistry sila eh ‘di mabuti, magkakasamang muli sila. Kung wala, for sure, ipaparehang muli sila sa iba. It’s for the growth of their careers. Kaya huwag na munang ma –in love. Bata pa kayo. Unahin na muna ang trabaho. Pero puwede kayong mag-pretend kung gusto n’yo.
RYZZA MAE MARAMING PATATAUBIN
Alam mo agad na sikat na si Ryzza Mae Dizon dahil ang daming nagtanong nang minsang mag-absent ito sa Eat Bulaga. Kinailangan pa ng assurance from the EB host na babalik at babalik ang matabil na bata na nagiging laruan ng mga host ng programa. Hindi tuloy kumpleto ang pagsasayaw ng chacha kung wala siya para mag-lead sa dance na ito.
I’m sure maraming kakabugin si Ryzza Mae kapag nakuha siya ng kahit sa isa man lamang na teleserye ng GMA. O gusto n’yo bang maunahan pa kayo ng iba?
LUNA TULUYANG TINUTONG
Hirap na hirap sa kalilipat ng istasyon ng aking mga maids of honor nung Biyernes ng gabi para lang parehong mapanood ang wakas ng mga programang Luna Blanca at Walang Hanggan. Hitsurang bumalik ang bagyong si Sendong sa rami ng iniyak nila. Magagalit na sana sila nang tuluyan sa pagkamatay nina Daniel at Katerina pero, bumawi ang kuwento, ginawang ‘and they all live happily ever after.’
Nalungkot naman sila para kay Luna. Dahil alam nilang magiging malungkot na ito sa buhay niya. Sino ba naman daw ang papatol pa sa mas pinaitim na dalaga? Oo nga, sadya bang tinutong na si Luna?
- Latest