Halikan at pag-amin na sobra-sobra ang pagmamahal nila sa isa’t isa, ni-record pa nina Angelica at John Lloyd
MANILA, Philippines - At least may pag-uusapan sa ginawang indie movie ni Angelica Panganiban na #Madaling Araw Mahabang Gabi.
Sa preview ng movie, imbes na ipa-interbyu si Angelica isang video nina Angelica at John Lloyd Cruz ang ipinakita ng director ng pelikula na si Nico Garcia. May halikan portion – sa lips at sa kamay – ang magkarelasyon na ayaw namang umamin ng direkta na sila na nga sa mga interbyu.
Kuha raw ang video sa bahay ni Angelica kung saan nag-imbita ang aktres kasama ang ibang cast ng pelikula.
Common knowledge na ang relasyon ng dalawa. Pero marami silang kaeklayan sa pag-amin. Ngayon hindi man manggaling sa bibig nila, my blessing naman daw ang dalawa na i-share ang nasabing video ng kanilang pagmamahalan.
Ayon pa sa mga nakapanood sa video pinatutuhanan nila ang kanilang relasyon at sobra-sobrang pagmamahal sa isa’t isa. Sabi pa raw ni Angel sa video : “Mahal na mahal kita, mahal na mahal mo ‘ko.”
Sagot naman ni JLC : “sorry, World, may ganito palang feeling.”
“I hope you found a love like this. I hope at this time, I just hope sincerely, that you found a love like ours,” dagdag na dialogue daw ng actor.
At least nagamit nila ang issue sa promo ng movie ng aktres.
Baka nga ito na ang hinihintay nilang chance nang pag-amin. May pakinabang nga naman.
Sarah at Cristine nag-krus ang landas!
Nagkita sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes sa birthday party ni Boss Vic del Rosario the other night. Wala naman daw masyadong eksena nang magkita sila. Nagbatian lang at nagbeso-beso at ayun na.
Matagal-tagal na rin naman ang isyu sa kanila kaya siguro wala na silang ilangan.
Magkakasama ngayon sa isang teleserye sina Cristine, Rayver Cruz and Gerald Anderson kaya siguro na-realize na ni Sarah na wala na talagang kailangang pag-usapan.
Parehong alaga ng Viva sina Sarah at Cristine.
Anyway, bukod sa birthday ni Boss Vic, celebration din ang nasabing party ng 31st anniversary ng Viva Group of Companies.
Naki-party rin sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Maricel Soriano, QC Mayor Herbert Bautista at marami pang alaga ng Viva Artist Agency.
Happy birthday Boss Vic. Happy anniversary Viva.
Solenn at Isabelle magpapasikat sa pagluluto
Kakaibang kumbinasyon ng masarap na pagkain, masayang kuwentuhan, at tunay na pagkakaibigan ang mapapanood sa pinakabagong cooking lifestyle program ng GMA News TV – ang Taste Buddies kung saan tampok ang IT girl na sina Solenn Heussaff at Isabelle Daza.
Imagine bukod sa masasarapan ka na sa pagkain, mai-inspire ka pa sa kanilang mga kaseksihan.
Bukod kasi sa pagiging magkaibigan sa tunay na buhay, pareho rin ang mga hilig nina Solenn at Isabelle, at isa na rito ang kanilang healthy lifestyle. Pareho ring food lover ang kani-kanilang pamilya – ang kapatid ni Solenn na si Erwan ay kilalang food blogger samantalang si Isabelle naman ay mula sa angkan na ilang dekada nang nagbabahagi ng masasarap na recipe sa mga Filipino.
Sa Taste Buddies, magkakasama sa isang pad ang magkaibigang Solenn at Isabelle. Dito nila makikilala ang mga bagong kaibigan na sina Mikael Daez, Rodjun Cruz, at Betong Sumaya. Kasama ang mga bago nilang kaibigan, iba’t ibang masasarap na pagkain ang ihahanda nina Solenn at Isabelle – na makikita rin sa kanilang sariling blog!
At ngayong Sabado, sa pilot episode ng Taste Buddies, gagawa sila Solenn at Isabelle ng Peanut Butter-Banana Smoothie gamit ang soy milk. Tanggal naman ang uhaw ng lahat sa Lemongrass Pandan Tea at magluluto rin sila ng katakam-takam na Roasted Chicken Pizza Pandesal and Creamy Dulong Pasta. May Bread and Butter Pudding with Vanilla Ice Cream rin ang grupo bilang dessert!
Mapapnood ito tuwing Sabado simula ngayong Oktubre 27, 5:40pm, sa GMA News TV Channel 11. Sundan ang Taste Buddies sa Twitter www.twitter.com/TasteBuddiesTV at sa Facebook via www.facebook.com/TasteBuddiesNewsTV.
- Latest