Anne tina-target ni Cesar Montano!
PIK: Congratulations kina Jeric Gonzales at Thea Tolentino na parehong taga-Laguna na nahirang na grand winners sa finale night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break.
Magkakaiba talaga ang choices ng apat na judges na sina Joey de Leon, Direk Bert de Leon, Cherie Gil, at Atty. Annete Gozon-Abrogar. Nagkatalo na lang sa boto ng supporters nila, lalo na ang kay Jeric na napiling texter’s choice.
Balak ni Jeric na i-invest sa negosyo ang perang napanalunan at ganun din si Thea.
Ang unang programang sasalihan ng dalawang winners ay ang pagbabalik ng youth-oriented program ng GMA 7 na TGIS.
PAK: Naniniwala si Rocco Nacino na tuloy pa rin ang launching movie niyang Lam-Ang na ilang buwan nang natengga at hindi pa rin nagri-resume ang shooting.
Kakakausap lang niya sa direktor niya at tiniyak sa kanyang matutuloy ito.
Totoong nagkaproblema sa budget at may ilan pang dahilan pero alam niyang matatapos nila ito.
Mabuti na lang at hindi naman siya pinabayaan ng GMA 7, dahil may ginagawa pa rin ito, isa na nga rito ang Yesterday’s Bride na magsisimula na sa afternoon prime sa susunod na linggo.
BOOM: Ini-launch na sa press ang biofilm ni Manila Mayor Alfred Lim na pagbibidahan at ididirek ni Cesar Montano.
Mukhang iba ito sa mga nakaraang pelikula ni Mayor Lim dahil magsisimula ito nung kabataan niya na kung saan iniwan pala siya ng kanyang nanay sa Hospicio de San Jose.
Pinamagatan itong The Turning Cradle: The Untold Story of Alfred Lim.
Ang napipisil nilang leading lady ay si Anne Curtis na naikuwento na rin ni Cesar sa press launch nito kahapon na nakausap na niya ang Viva Films para kunin ang serbisyo ni Anne.
Hindi lang dito sa ating bansa kundi pang-international ang target ni Cesar sa pelikulang ito.
- Latest