^

PSN Showbiz

Text scam ikinakalat: Villar Foundation ginagamit sa panloloko!

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Usung-uso pa rin ang mga text scam kaya huwag magpaloko ang payo ko sa mga kababayan natin na nakatatanggap ng mga text message mula sa mga tao na hindi nila kilala. Higit sa lahat, huwag maging gahaman sa datung na hindi ninyo pinaghirapan

Pairalin agad ang duda kapag nakatanggap kayo ng mga text message na nag-aalok ng malaking datung dahil malaki ang tsansa na panloloko ito. May isang texter na ginagamit ang name na Francisco B. Gatchalian na masigasig sa pagpapadala ng mga text message na kiyeme-kiyemeng maagang Pamasko mula sa Villar Foundation ni former House Representative Cynthia Villar. Hindi ko kilala si Francisco na may cell phone number na +639265607944 pero siguradung-sigurado ako na wala siyang koneksiyon sa Villar Foundation.

Sino ang maniniwala sa kanyang text message na “MAAGANG PAMASKO PARA SA MAHIHIRAP HANDOG NG VILLAR FOUNDATION”, Your sim n# had won worth of Php700,000, to claim ur prize? call me now/PER- NCR PERMIT N#8804 series of 2012.”
   

Walang ganyan na promo ang Villar Foundation kaya umaapela ako sa mga nakakatanggap ng ganoong klase ng text na huwag magpabola! Talasan ang inyong isip. Sa rami ng mga mahihirap na tinutulungan ng Villar Foundation, hindi nila kailangan na magpa-raffle ng P700,000. Maging matalino, huwag magpaloko!
                                                  

Julie Anne hindi na poproblemahin ang mga damit at accessories

Si Julie Anne San Jose ang bagong image model ng Get Laud. Nagpirmahan ng kontrata si Julie Anne, ang GMAAC (GMA Artists Center) representatives at ang may-ari ng Get Laud sa isang bagong hotel sa Pasig City na may sosyal na water spa.  

Happy si Julie Ann dahil siya ang pinili bilang third celebrity endorser. Hindi na problema kay Julie Anne ang mga damit at accessories na gagamitin niya sa mga show dahil ang Get Laud ang magpo-provide sa kanya.
   

Very affordable ang presyo ng mga damit at accessories ng kumpanya. Naintriga ako na may Get Laud Plus clothes pa dahil para ’yon sa mga katulad ko na voluptuous ang katawan.

Blogger kalkal nang kalkal sa laptop, nakaka-distract

Kinaimbiyernahan sa contract-signing event ni Julie Anne at ng Get Laud ang isang blogger na hindi iginalang ang okasyon.
  

Imbes na pakinggan ang mga sinasabi ni Julie Anne at ng mga nakaupo sa presidential table, kalkal nang kalkal sa kanyang laptop ang nameless na blogger.
  

Dapat matuto na gumalang ang mga blogger na naiimbita sa mga presscon. Sandali lang naman ang mga presscon. 
   

Hindi kabawasan sa kanilang precious time kung bibigyan nila ng atensiyon si Julie Anne o ang ibang artista. Makapaghihintay naman ang pagsusulat nila. Huwag silang magpanggap na busy dahil inimbita sila para i-cover ang event, hindi para mag-Facebook o mag-tweet. Mahiya sila sa mga nag-imbita sa kanila. Magpakitang-gilas sila para ma-invite uli sila ’no?!
                                               

May mga blogger kasi na overacting. As if, mahalagang-mahalaga sila sa industriya. May mga blogger na kalkal nang kalkal sa kanilang laptops at iPad kahit nasa premiere showing sila ng mga pelikula.

The height of katsipan ’yon dahil nakaka-distract sa ibang manonood ang liwanag mula sa kanilang mga laptop. Guilty din sa ganyang asal ang mga nanonood ng sine na walang ginawa kundi ang mag-text nang mag-text sa kanilang mga cell phone. Wala silang konsiderasyon sa kapwa dahil hindi nila iniisip na nakakaabala sa panonood ng sine ang liwanag mula sa kanilang mga cell phone.

ANNE

GET LAUD

JULIE

JULIE ANNE

TEXT

VILLAR FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with