'Affair' ni John Lloyd at Bea ilalantad!
MANILA, Philippines - Beautiful family day ang handog ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Oktubre 14) dahil ilulunsad na ng most admired love team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang kanilang pinaka-pinananabikang Primetime Bida teleseryeng A Beautiful Affair kasama ang de-kalibreng powerhouse cast nito.
Bukod sa beautiful treat nina John Lloyd at Bea, dagdag kilig naman ang grand launch ng isa pang upcoming Kapamilya Gold drama series na Paraiso na pangungunahan nina Matteo Guidicelli, Jewel Mische, at Jessy Mendiola.
Hindi rin pahuhuli ang Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz, Dom Roque, at Francis Magundayao ng Aryana; Jerome Ponce at Janella Salvador ng Be Careful with My Heart; Miles Ocampo at Marco Gumabao ng Luv U; at Kathryn Bernardo ng Princess and I na may inihandang espesyal na production number.
Samantala, world-class talent naman ang muling masasaksihan sa ASAP concert stage sa hindi dapat palampasing collaboration ng X Factor Philippines judges and mentors na sina Gary Valenciano at Charice; na susundan ng nakamamanghang production number ng Brewer Boys ng X Factor USA kasama ang international Pinoy RnB sensation na si Billy Crawford.
Walang tigil ang selebrasyon sa centerstage sa back-to-back birthday bash para kina Ultimate Showgirl Vina Morales, Prince of Pop Erik Santos, at multi-awarded actress na si Maja Salvador. Maki-party din sa birthday blowout ni Sam Concepcion kasama sina Anja Aguilar, Devon Seron, at Tippy Dos Santos; at ni Paulo Valenciano kasama ang ASAP Covers na sina Sam Milby, JM de Guzman, Zia Quizon, at Yeng Constantino.
Patuloy na mapamangha sa talento ng mga Pinoy sa makatindig-balahibong musical spectacle nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Jed Madela, at Angeline Quinto; at sa malupit na concert extravaganza na ihahandog ng ASAP Sessionistas.
Abangan din ngayong Linggo ang tapatan ng pinaka-’pop-boritong’ dance moves sa ASAP Supahdance showcase nina Kim Chiu, Cristine Reyes, Enchong Dee, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Empress, Nikki Gil, Karylle, Iya Villania, at Rayver Cruz.
- Latest