^

PSN Showbiz

Tagas sa minahan ng Philex, hihimayin

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang naganap na pagtagas sa minahan ng PHILEX Mining Corporation kasabay ng kanyang pagbusisi sa peligro ng kontaminasyon mula sa insidente ngayong Sabado (Oct 13) sa Failon Ngayon.

Kamakailan, sinuspindi ng Department of En­vi­ron­ment and Natural Resources (DENR) ang PHI­LEX dahil naman sa paglabag nito sa Mining Act.

Ito ay dahil sa tumagas na mine tailings mula sa mi­nahan ng PHILEX sa Padcal, Tuba, Benguet na hu­­malo sa ilog ng Balog na dumaloy papuntang San Roque Dam.

Ayon kay Itogon Mayor Oscar Camantiles, uma­bot sa 34 na pamilya ang lubhang naapektuhan ng nangyaring tailings spill at nadamay din ang mga sitio ng Pagbasan, Pao, at Daynet.

Bukod sa pag-iimbestiga ni Ted sa PHILEX ay bu­bu­­weltahan niya rin ang mga pasaway na minahan na ba­gamat suspendido na ay patuloy pa rin sa pagmi­mina.  

Ang peligro ng kontaminasyon mula sa tagas ng minahan at pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmi­mina, hihimayin at ipaliliwanag ni Ted sa Failon Nga­yon ngayong Sabado (Oct 13), 4:45 PM sa ABS-CBN. ang inyong mga opinyon gamit ang hashtage na #FailonNgayon.

DEPARTMENT OF EN

FAILON NGA

FAILON NGAYON

ITOGON MAYOR OSCAR CAMANTILES

MINING ACT

MINING CORPORATION

NATURAL RESOURCES

SABADO

SAN ROQUE DAM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with