^

PSN Showbiz

Bong pinili ni Bro. Eduardo ng INC na gumanap sa kanyang buhay!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

 Si Senator Bong Revilla ang napisil na gumanap sa buhay ni Bro. Eduardo Manalo,  ang ikatlo at kasalukuyang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo. Pumal­it siya after the death of his father, si former Minister Eraño G. Manalo.

Sarado na ang usapan. Gaganap na Misis ni Bro. Eduardo si Representative Lani Mercado.

Payag na ang mag-asawang pulitiko. Wala lang nabanggit kung sinu-sino ang gaganap na mga anak. Pawang mga ministro na raw ang mga anak ng Executive Minister ng Iglesia ni Cristo.

Si Ms. Arlyn dela Cruz ang tumawag kahapon kay Nay Lolit Solis para sabihin ang tungkol sa plano ni Bro. Eduardo. Personal choice ng lider ng INC si Bong para  gumanap sa kanyang papel ayon kay Ms. Arlyn.

Umoo agad-agad si ‘Nay Lolit sa sinabi ni Ms. Arlyn (ang broadcast journalist) kahit hindi pa niya alam kung kailan ang simula ng shooting at kung kailan ipalalabas.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Arlyn ay agad niyang tinawagan si Sen. Bong na honored sa narinig sa kanyang manager. At sa katuwaan, hindi siya manini­ngil ng talent fee sa INC.

Medyo nag-worry lang siya sa schedule dahil baka simulan agad. Pero nang balikan ni Nay Lolit si Ms. Arlyn ay doon nalaman na next year pa, February ang shooting.

Kaya naman excited na agad si Bong sa naturang proyekto.

Magkaroon na raw ng announcement na si Sen. Bong ang gaganap sa pelikulang ididirek ni Tikoy Aguiluz.

Sa simula ng usapan ay gusto sana ng manager (Nay Lolit) ay may talent fee pa sana si Rep. Lani dahil nagwo-worry si Nay Lolit na kung parehong walang talent fee ang alaga niya, paano na ang commission niya?

Pero ipinilit ni Sen. Bong na hindi sila maniningil ng TF. Gagawin nila ‘yun ng libre sabi ng senador sa kabilang linya.

So call na naman si Nay Lolit kay Ms. Arlyn. Ang dialogue na niya : “sabihin mo ako na lang ang bayaran nila,” bilin ng manager ng mag-asawa habang nasasamid dahil sa pinagsasabi niya.

Masuwerte si Bong dahil from the start, siya na raw talaga ang choice ni Bro. Eduardo.

Kilala siyang Ka Ed o Ka Ediboy na ipinanganak noong October 31, 1955.

Sa abroad daw ito magbi-birthday at bago ito umalis, magpi-pictorial na sila ni Bong.

Graduate siya ng University of the Philippines na may degree of Bachelor of Arts in Philosophy. 

Kasal siya kay Lynn V. Manalo at meron silang dalawang anak na babae at isang lalaki – sina Atty. Dorothy Kristine, Gemma Minna, and Angelo Eraño ayon sa Wikipedia.

Hanggang 2016 pa sa senado si Sen. Bong kaya wala siyang problema sa mga gagawin niyang pelikula.

Tinatapos niya sa kasalukuyan Si Agimat, si Enteng at Ako na kasama sa gaganaping Metro Manila Film Festival sa December kaya bisi-bisihan pa siya.

Korina at Binay sa Vatican magbabati?!

Si Blessed Pedro Calungsod na kaya ang magiging daan para magka-usap at magkita sina Vice President Jejomar Binay at Ms. Korina Sanchez na parehong lilipad sa Vatican para sa ca­nonization ng bagets Cebuano catechist na napatay noong April 2, 1672?

Si VP Binay ay ire-represent si Pangulong Noy­noy Aquino sa canonization sa October 21 habang si Ms. Korina naman ay magko-cover for ABS-CBN.

Matagal-tagal na rin ang iringan nina VP at Ms. Korina kung saan ang pinakahuling isyu ay tungkol sa umano’y pasaring ni Ms. Korina tungkol sa ‘maiitim at maliit na maligno’ sa kanyang programang Rated Korina na inangalan ni VP Binay bilang paglabag daw ito sa broadcasting standards and ethics.

Nauna na dating nagkaroon ng isyu na nakikisawsaw umano ang asawa ni DILG Secretary Mar Roxas sa isyu kay VP Binay.

Siyempre kung pareho silang nasa Rome, bilang nagbabalita walang choice si Korina kundi interbyuhin  ang bise presidente dahil representative siya ni P-Noy.

So abangan natin ang mangyayari.

Anyway, balitang 5,000 Filipinos ang dadayo sa Vatican para sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod na ayon sa mga dokumento ay isa raw Ilonggo dahil ipinanganak siya sa Iloilo noong 1654 na isang Filipino Catholic martyr na nasa Guam nang mapatay sa kanyang missionary work.

Inianunsiyo na ni P-Noy na National day of Celebration of the canonization of Blessed Pedro Calungsod ang October 21.

vuukle comment

ANGELO ERA

BINAY

BLESSED PEDRO CALUNGSOD

BONG

EDUARDO

EXECUTIVE MINISTER

MS. ARLYN

MS. KORINA

NAY LOLIT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with