Shaina at John Lloyd meron daw sex video, ilalabas na!
MANILA, Philippines - Binubuhay na naman pala ng ibang fans ang issue kay Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz kung saan daw nakunan ang dalawa na may ginagawang maselang bagay.
Kesyo, masisira raw ang mahinhing image ni Shaina oras na lumabas ang nasabing sex video.
Meron ba?
Tinawag pa nilang pok—k si Shaina.
Sila rin ang fans na nagagalit kay Cristine Reyes dahil may posibilidad daw na ma-attract ito kay Gerald Anderson kahit karelasyon na ni Rayver Cruz dahil magkakasama-sama sila sa serye.
Nilipatang network hindi happy sa akting ng aktres
Hindi pala happy ang isang network sa aktres na kinontrata nila. Say ng source, walang maibuga sa aktingan ang nasabing aktres at nag-dialogue raw ang isang bossing na actress ang kailangan nila. Puro pagpapa-cute lang daw kasi ang kayang gawin nito.
Ang ini-expect daw ng nilipatang network ay may magagawa sila sa actress, pero mukhang mauudlot daw ang bonggang career nito dahil kulang nga sa lalim ang akting.
Charice nagmamakaawa kina salma hayek at Kevin James na isama uli siya sa pelikula
Ay ngayong October lang pala ipapalabas ang ginawang pelikula ni Charice noon pa na Here Comes the Boom na pinagbibidahan nina Salma Hayek at Kevin James.
Ang tagal nang napabalitang ginawa ito ni Charice, noong medyo mainit pa ang pangalan niya sa Amerika.
Pino-promote daw ito ni Charice sa mga shows sa Amerika at kasama sa pinuntahan niya ay ang programang The Couch ayon sa report ng ABS-CBN.com.
Comedy movie ang Here Comes the Boom at kung saan estudyante ni Kevin James ang role niya. Ayon pa sa report, nag-audition si Charice sa nasabing pelikula.
“I love all of them. I’m just very blessed because I didn’t expect that they would be that nice and sweet and everything. So being with them on the set, I kept on telling them that if you guys gonna make another movie, please, please pick me, pick me,” sabi ni Charice tungkol sa mga bida sa pelikula.
Anyway, nabanggit din nga pala sa nasabing interview ni Charice na tinutulungan pa rin naman siya ni Oprah Winfrey kaya nagpapasalamat siya.
“I mean I can say that she’s one of the people that I really owe. She gave me the career that I’d been wanting and everything.”
Noon pa nababalitang nagsasarili na ng desisyon si Charice matapos silang mag-away ng kanyang nanay dahil sa kanyang lifestyle sa Amerika.
Muntik pa raw magsampalan ang mag-ina dahil madaling araw na kung umuwi itong si Charice na hindi matanggap ng kanyang nanay na nanahimik na raw ngayon sa Laguna.
- Latest