^

PSN Showbiz

Angel pumayat kung kailan hindi nagda-diet!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

 Kamakailan ay napabalitang posible na si Angel Locsin muli ang gumanap bilang Darna sa Kapamilya Network. Wala pa mang kumpirmasyon ay ikinatuwa naman ni Angel ang balitang nakarating sa kanya.

“Honestly kasi hindi ko talaga naisip pa talaga kasi may ginagawa akong pelikula. Ewan ko, parang it feels great. Kapag masaya ka, kapag okay lahat, parang lahat sumusunod na. Eto nga may mga luma­labas na balita, ang tagal ko nang ’di nagagawa talaga. Sobrang nakaka-touch ’yung mga tao sa Twitter na nagsasabi na natatandaan nila ako na ginawa ko,” nakangiting pahayag ni Angel.

Wala namang problema sa aktres kung sakaling hindi naman sa kanya mapunta ang papel ni Darna ngayon.

“Nakakalunod sa pagmamahal, doon masaya na ako. Kahit ’di man matuloy, okay na ako roon. Masaya na ako roon na natatandaan ako ng mga tao. ’Di ko alam pero malay natin, bahala na si Darna,” giit ng dalaga.

Maganda ang pangangatawan ni Angel ngayon at ayon sa aktres ay marami ang nakakapansin nito.

“Actually, noong simula, gusto kong kumain ng healthy talaga. Dati kasi pinapapayat ka, so, parang pressured ka. Para sa akin mas effective kapag ’di mo ginugutom ang sarili mo, saka nakakapag-function ka. Sa likot ko pong ito hindi puwedeng walang sustansiya. Kailangan ko po talagang ibalanse ang diet ko at ngayon hindi ko man nasusunod one hundred percent ’yung pagkain ng tama talaga, naga-guide na ang diet ko,” sabi ni Angel.  

Enrique excited sa American girls na nanonood ng Princess and I

Ngayon pa lamang ay excited na si Enrique Gil para sa Kapamilya US tour na mangyayari sa susunod na buwan. Magkakaroon kasi ng pagkakataon na makita at makasama ng aktor ang lahat ng taga­hanga ng kanilang teleseryeng Princess and I.

“Siyempre sobrang saya namin kasi at least it would mean more time together. First time ito na makakasama ako sa Star Magic tour and it’s going to be awesome. I want to see all the fans abroad. I think our show comes out twice a day sa States so, Pinoy really watch it. Even American girls even know about it, I just want to see and meet them,” pahayag ni Enrique.

Hinahangad din ng binata na magkaroon siya ng pagkakataong makapagbakasyon o makapag-ikut-ikot sa iba’t ibang lugar sa Amerika pagpunta niya roon.

“I’ve been there a few times for vacation with family. This time walang time for side trip. I don’t think may time na magpasyal. Pero kung may time ako, why not?” giit ni Enrique.

Hilig ng pamilya ng aktor na umuuwi sa kanilang bahay sa Cebu sa tuwing may pagkakataon.

“Usually we go to the beach. It depends on what the family plans like if they want to go to Cebu, like if our relatives want to see us again. Cebu para malapit lang and we can get back to Manila and work agad. Kung may trabaho, kung hindi kami kumpleto, we’d just rather stay home,” kuwento pa ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

CEBU

DARNA

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

EVEN AMERICAN

KAPAMILYA NETWORK

PRINCESS AND I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with