Panalo at tagumpay pag-uusapan sa Life and Style
MANILA, Philippines - Walang ipinanganak na talunan. Lahat tayo’y may pag-asang marating ang pangarap na paroroonan basta’t nasa puso natin ang pag-asa, pagsisikap, at pagtitiyaga.
Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Sabado alas-dyes hanggang alas onse ng umaga sa GMA News TV ay itatampok ang mga kuwentong punumpuno ng inspirasyon. Ang makakasama ni Mader Ricky ay mga taong nakalikha ng pangalan at dapat maging inspirasyon.
Una tayong dadalhin sa Braun Philippines kung saan ipakikita ang mga produkto sa pagpapaganda, paglunas at pangangalaga ng buhok. Kung dati’y shampoo at conditioner lang ay tama na, dikta ng makabagong panahon ngayo’y ang makabago ring beauty aids.
May interbyu naman sa dalawang popular na residente ng Puerto Princesa, Palawan. Una’y si Commodore Ricky Hernandez na ang malapalasyo, kakaiba at mala-work of art na bahay ay dinarayo ng mga turista. Ikalawa’y ang transgender na si Michelle Montecarlo na lilipad patungong Pattaya, Thailand upang lumahok sa Miss International Queen 2012.
Dumalo ang LSWRR crew sa tree planting sa Norzagaray, Bulacan na ginanap bilang parangal sa mga guro sa pagtutulungan ng Smart Philippines at Department of Education.
Due to viewers’ demand ay ibabalik ang Make Over Magic na mismong ang beauty guru ang nagdedemo ng mga napapanahon at panalong ayos ng buhok at make up at kapag suki ka ng Life and Style, panalo ka.
- Latest