Heart gustong maging pribado ang relasyon kay Chiz pero panay ang pa-sweet sa twitter
SEEN: Si Batangas Governor Vilma Santos sa SM Megamall Cinema noong Martes. Sinuportahan ni Vilma ang red carpet premiere ng This Guy’s in Love with You Mare, ang pelikula ng kanyang anak na si Luis Manzano.
SCENE: Ang Walang Hanggang Pasasalamat ng Walang Hanggan cast sa Smart Araneta Coliseum sa October 21.
Magwawakas sa October 26 ang number one primetime show ng ABS-CBN.
SEEN: Mon Amour at Halma ang tawag ni Richard Gutierrez sa kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati na nagdiwang ng 19th birthday noong Martes.
My Love ang ibig sabihin ng Mon Amour.
SCENE: Kahapon ang 43rd birthday ni Senator Chiz Escudero.
Ang girlfriend na si Heart Evangelista ang unang bumati kay Chiz ng happy birthday sa Twitter.
Gusto ni Heart na maging pribado ang relasyon nila ni Chiz. Public ang Twitter, maraming nakakabasa. Hindi consistent si Heart.
SEEN: Ang pasasalamat ni Sharon Cuneta dahil unti-unti nang tumataas ang rating ng Sharon, Kasama Mo Kapatid, ang kanyang Monday-to-Friday talk show sa TV5.
SCENE: Sa October 29 ang premiere telecast ng Amazing Race Philippines ng TV5.
Ang reality show ang pangalawang television project ni Derek Ramsay sa kanyang bagong home studio.
SEEN: Hinihintay ni Atty. Ferdinand Topacio ang public apology ni Carina Binene, ang nanay ni Bea Binene na nagsangkot sa kanya sa kontrobersiya ng young actress at ng DJ na si Papa Dan. Nanahimik si Mrs. Binene na kinukuwestyon ang kredibilidad dahil sa kanyang unbelievable story.
- Latest