Kakandidatong may koneksiyon sa showbiz may video nang magpatalo ng milyun-milyon sa casino!
Hawak daw sa leeg ng isang local candidate ang kanyang running mate. Ang rason : hawak din daw kasi ni ‘mayor’ ang isang video kung saan nagpatalo ang kanyang running mate ng milyun-milyon sa casino. May binanggit na halagang ipinatalo ng kakandidato ang nagkuwento.
Malinaw daw ang video at kuhang-kuha kung paano siya natalo at uminit ng ulo.
Kaya ngayon daw, sunud-sunuran ang nasabing kandidato sa kanyang ka-teammate.
So hulaan n’yo na lang kung sino itong kakandidato sa lokal na nakunan na nagka-casino na hawak ngayon ng kanyang ka-partido.
Natsismis na ito dating nagka-casino. Pero malutong ang ginawa niyang denial.
May koneksiyon siya sa showbiz.
Mother all out kay Sec. Gordon
Nakipagtsikahan si Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon sa ilang entertainment press kahapon. Si Mother Lily Monteverde ang nag-effort para magkaroon ng chance na makilala ng mga taga-showbiz si Chairman Gordon.
Kung sabagay matagal na silang may koneksiyon bilang Red Cross Director ng Quezon City Chapter ang reyna ng Regal Entertainment na si Mother Lily. “Magaling si Chairman Gordon, alam nating mabuti siyang tao,” sabi agad ni Mother Lily kahapon ng tanghali.
Kuwento naman ni Sec. Gordon, hindi lang sa Red Cross nag-umpisa ang lahat sa kanila ni Mother Lily. Noon pa raw, noong meron pa silang theaters, nakilala na niya si Mother at ang asawa nitong si Father Remy.
Anyway, nakaka-dalawang taon na pala si Chairman Gordon bilang host ng Aksiyon Solusyon (10:00 to 12:00 p.m.) sa TV5 at 92.3 (FM station). Yearly ang contract niya sa nasabing station.
At nang tanungin namin kung gaano kalaki ang talent fee niya, enough daw na pang-gasolina.
Since 1986, na-elect na siyang governor of Philippine Red Cross. At hindi ‘yan nalilihim sa showbiz dahil maraming artista ang tumutulong sa kanilang mga ginagawa – rescue, relief, and rehabilitation sa mga sinasalanta ng mga kalamidad sa bansa.
Kabilang sina Marian Rivera and Angel Locsin sa mukha ngayon ng Red Cross na ikinatutuwa ni Chairman Gordon.
Last event na pinagsamahan nila ni Marian ay ang ginanap na blood-letting coinciding sa birthday ni Marian.
Nanawagan noon si Marian sa kanyang fans na mag-donate sila ng dugo. Maraming nakiisa. “Si Marian, all out ang support niya, sila ni Angel,” susog ni Mr. Gordon.
Si Chairman Gordon ang responsible for the passage of Republic Act No. 9369 – o ang Automated Elections System para maiwasan ang dayaan and post election controversies and protest. Kasama rin sa mga ginawa niyang naging batas nang ma-elect siya noong senador ang Republic Act No. 9499 The Filipino World War II Veterans Pensions and Benefits Act of 2008, kung saan ang Filipino veterans ay natatanggap na ang mga benepisyo mula sa United States government na hindi nawala ang ibinibigay na benefits ng Philippine government.
Kaya nga si Mother Lily, bilib na bilid sa nanalo na noong senador.
Actually, may history na si Mother ng pagiging lucky charm ng mga kandidatong senador. Halos kasi yata nang ini-endorso niya, nanalo sa senate.
Diana Zubiri sasabak sa kanyang unang MMK
Matapos pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, sasabak na ang bagong Kapamilya sexy actress na si Diana Zubiri sa kanyang kauna-unahang Maalaala Mo Kaya episode kung saan makakasama niya sina Erich Gonzales at Patrick Garcia.
Gagampanan ni Diana sa naturang MMK episode na ipalalabas ngayong Sabado (Oktubre 13) ang karakter ni Yoli, isang ulirang ate na handang magparaya para sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa kanyang nakababatang kapatid na si Merlie (Erich). Ngunit masisira ang magandang relasyon ng magkapatid sa pagpasok sa buhay nila ni Ramon (Patrick), ang lalaking minahal ni Yoli na kalauna’y iibigin ni Merlie.
Paano sisirain ng kataksilan ang isang matibay samahan?
- Latest