^

PSN Showbiz

Kasal nina Coco at Julia ginastusan ng P3.2M!

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Hindi kayo marahil ma­­niniwala pero ang ka­­­salang Daniel Guidoti at Katerina Alcantara na magsisilbing isa sa highlight ng teleseryeng Walang Hanggan at ma­­­­papanood sa isang epi­sode lamang ng itinuturing na phenomenal te­­leserye ay talagang pi­­­nabongga at ginastusan ng P3.2 M ng ABS-CBN.

Hindi lamang ang isu­susot ng mga ikaka­sal na ginagampanan nina Coco Martin at Julia Montes ang dinisen­yo at ginawa pa ng pa­mo­song si Paul Cabral kundi pati ang mga isu­suot ng wedding fami­ly and entourage were haute couture.

Ang puting orkidya na ginawang adorno sa labas at loob ng San A­gustin Church ay nagkakahalaga ng kalaha­ting milyon (P500,000) at imported from Thailand. Kaya naman kahit nakakatatlong araw na itong naka-dekorasyon at inabot na ng malakas na hangin at ulan ay parang hindi pa rin nala­lanta. Hindi lamang ito sa gitna ng simbahan ini­lagay kundi sa mga mala- Christmas tree na pinuno ng white orchids at inilagay sa aisle, mula pintuan hanggang altar. Pati ang karwaheng sasakyan ng ikinasal ay puti rin at hila-hila ng isang puting kabayo.

Parang isang en­chan­ted garden ang lo­ob ng simbahan. Lahat ng bisita ay naka-Filipi­niana. Pati ang string orchestra na nagpaparinig ng magagandang musika na nakapaloob sa soundtrack ng Walang Hanggan ay naka-color motif din.

Ewan ko kung kailan mapapanood ang kasalan o ang dahilan kung bakit sad na sad ang bride habang tuwa ang nababakas sa mukha ng mga nagmamahal sa kanya, tulad nina Carlo at Emily Guidoti (Richard Gomez at Dawn Zulueta), Manang Hen­ya (Susan Roces), ang pinayagang makalabas ng kulungan na si Doña Margaret (Helen Gamboa). Wala namang ma­babakas na emosyon sa mukha ni Tomas (Joem Bascon) na siyang nag­hatid sa altar sa kanyang kapatid. Marami ang naghanap kay Nathan pero wala siya.

Charice may pinatunayan sa pagkapanalo ni KZ

Hindi biritera ang kauna-unahang kampeon ng The X Factor Philippines na itinaguyod ng ABS-CBN dito sa bansa. 

Sa totoo lamang ang talagang bet ko nung una ay si Allen Sta. Maria. Itinatalaga ko na lamang ang aking sarili sa magiging resulta dahil may kasama itong text votes. Naging karanasan ko na ang mabigo sa mga paligsahan na umaasa sa text votes. Nagkaroon na lamang ako ng konsuwelo sa pangyayaring malaki ang porsiyento na nagagamit ng mga huradong sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Pilita Corrales at Charice sa kanilang pagiging hurado. Bagama’t maaga ko nang nalasap ang kabiguan sa maagang pagkakatanggal ng AKA JAM at ang hindi pagkakasali ni Allen sa Top 3, itinalaga ko na ang sarili ko sa magiging resulta ng paligsahan.

In the show, Charice again proved na may ka­rapatan siya sa paghanga at papuri na tinatanggap niya mula sa kanyang mga kababayan at international crowd gaano man ka-nega ang ginagawang pagtanggap ng ilan nating kababayan sa kanya. Ganun din si Pilita na sa kanyang edad ay nakakaabot pa rin ng matataas na nota at nakakabali pa rin ng kanyang bewang na siyang signature move niya.

Dapat lang na iyakan ng husto ni KZ ang kanyang pananalo. After all, P4 million is P4 million sa anumang lengguwahe. Malaking ha­laga ito para lamang sa paga­li­ngan ng pagkanta. Malaki ang agwat ng halaga ng nakuha niya kumpara sa P100,000 ni Gab at P50,000  ng mga Daddy’s Home.

Ryzza Mae magaling ang memorya

Baka naman hindi pa sanay ang mga manonood ng Eat Bulaga na mapanood ito ng isang oras na mas maaga sa nakasanayan nang oras ng pano­nood ng mga suki nito tuwing Sabado. Maski na ang pagpapaaga nila ng pagpapalabas ng Pinoy Henyo ay baka magbigay din ng malaking epekto.

Sanay na kasi ang viewers ng nasabing noontime show na mapanood ito sa bandang gitna ng show. Baka ngayong nabago ang oras nito ay maligaw ang mga manonood. Ang Pinoy Henyo pa naman at Juan For All ang dalawa sa sinusu­ba­y­bayang segment dito.

Samantala, kung gusto nilang maabot ni Ryzza Mae Dizon ang kasikatan na inabot ni Aiza Seguerra bilang Little Miss Philippines, dapat mas i-push pa nila at i-promote ito sa show. Tala­gang may talento ang bata. Madaling makasunod sa instructions at mahusay ang memorya. Kaila­ngan lamang nito ang suporta ng lahat ng kasamahan nito sa Eat Bulaga.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALLEN STA

ANG PINOY HENYO

CHARICE

EAT BULAGA

LAMANG

SHY

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with