Relasyon nila Renz at Maxene, inamin na ni LT
PIK: Pumirma na si Lorna Tolentino ng two-year contract sa GMA 7 kahapon. Excited ang magaling na aktres dahil nakabalik na rin siya sa Kapuso network na minahal niya dahil hindi raw sila pinabayaan ng GMA 7 nung may sakit na si Kuya Rudy Fernandez.
Malaki raw ang utang na loob niya sa GMA 7, kaya wala siyang pag-alinlangan nang makarating sa kanya ang offer ng GMA 7.
Pagkatapos ng contract-signing, nakipag-meeting na ito sa ilang top executives para pag-usapan ang unang project na gagawin niya, bilang kapalit sa Haram na na-shelve.
PAK: Sobra palang na-depress si Kylie Padilla nang madesisyunan ng GMA 7 na i-shelve na ang Haram dahil nanghinayang siya nang husto sa magandang project na ito.
Pinagbakasyon pa ito ng Hongkong ng ilang araw para medyo makalimutan daw nito ang ‘di pagkatuloy ng magandang project para sa kanya.
Pagbalik nito ay pinag-shooting agad ito ng pelikulang pagsasamahan nila ni Robin Padilla na Kuratong Baleleng para medyo maaliw daw ito.
Bumalik daw ang excitement nito nang nalaman niyang mas maganda ang naisip ng production staff na ipalit sa drama series na pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes.
BOOM: Natawa lang si Lorna Tolentino nang tanungin sa kanya tungkol sa pagkaka-link ng anak niyang si Renz kay Maxene Magalona.
“I really love Maxene,” pakli nito. “Napakagaan niya, positive. Siyempre merong pagkakapareho na ang father niya, si Rudy na parehong pinagdaanan,” paglilinaw nito kay Maxene.
Nang kinulit namin kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa. “Siguro in time, aamin na rin sila. Ayoko lang manggaling sa akin eh. Dapat manggaling sa kanila kung ano man,” natawa niyang sagot.
“Basta masaya ako for them. Very positive ang personality nila, for the good para sa kanilang dalawa ang kanilang relasyon. Nagku-complement pareho ang ugali nila, wala silang problema,” masaya pa niyang kuwento.
- Latest