Broadcast journalist, todo-banat sa Cybercrime Prevention Act!
Kung maraming nag-iingay sa implementation ng Cybercrime Prevention Act of 2012, marami rin namang natutuwa. Ang rason, may panlaban na ang ilang mga nabibiktima sa Internet ng walang kalaban-kalaban bilang wala silang oras magbabad sa Internet at makipag-balitaktakan.
Totoo naman kasing naaabuso na ang Internet. At parang mas powerful na ang iba at ginagamit na ito sa paninira. Ang isa pang disadvantage, walang editor ang iba, so, kahit ano puwede na. Wala nang nag-aayos ng stories nila.
Marami nang mga broadcast journalist ang nakadepende na sa social media sites.
Isa na rito ang Bandila na kung napansin ninyo sina Karen Davila, Julius Babao, at Ces Drilon ay parang nakadepende na ang buhay sa social media. Si Tito Boy Abunda lang ang walang kaharap na laptop habang nagbabalita.
Hindi naman kasi puwedeng sa print media lang may libel. Sa print media nga, may editor pa. Nasasala ang mga istoryang lumalabas at opinion ng readers. Sa Internet hindi ba puwede?
Sa China nga, blocked ang social networking sites – Facebook, Google, Twitter, YouTube, at 2,800 sites base sa kanilang policy of Internet censorship.
Dito sa atin, ang tatapang ng mga sinasabing netizen. Grabeng magbanta tulad ng isang broadcast journalist na nagagamit na ang kanyang programa sa radyo para sa kanyang ‘galit’ sa cybercrime law. With matching pananakot sa mga senador na author at nagpasa ng batas.
Sa India, last August, ay nag-block din ng 250 websites base sa report ng The Washington Post dahil sa inciting hate and panic.
Ayon naman sa report ng ZDNet Asia, bagama’t malabong mag-implement ng social media regulations ang Singapore at Malaysia, meron naman pala silang social-media-related arrests. Kamakailan may mga naaresto na sila.
Dito sa atin, wala pang nasasampulan.
Sa panahon ngayon, mas malaki ang bilang ng mga taong priority ang kumain kesa mag-Internet kaya ’wag magmalaki ang isang broadcast journalist na kung ilang milyon na ang nag-aalsa sa batas.
Siyempre ang sasabihin na naman, paano na ang freedom of speech? Iba ang sistema ng government natin sa kanila.
Sana nga ay mapanindigan nila ang implementation ng batas na ito para naman hindi mag-feeling powerful ang ibang mga kontra rito.
VFORT nagpakita ng mga katawan sa kanilang major concert
Tagumpay ang first major concert ng grupong VFort na binubuo nina Kerwin Caballero, Toff Guela, and Visam Arenas na ginanap sa SM Mall of Asia Center Stage the other night. Dumating ang fans nila na nag-effort na magtitili habang nagpapakita ng kaseksihan ang tatlo sa stage. Panay kasi ang hubad nila ng T-shirt at jacket habang sumasayaw at kumakanta kaya naman todo-tili ang mga babaeng nanonood.
Mabilis na nakilala ang VFort pagkatapos i-release ang kanilang album na The Love Band Project under Viva Records last April 2012.
In a little period of time, humataw ang kanilang carrier single na Prinsesa, an original composition ni Jeff Cifra na hanggang ngayon ay isa sa most requested songs sa top radio stations. Dahil sa nasabing kanta mabilis din silang nakilala at nagkaroon ng fans. Nakapag-perform na rin sila sa Waterfront Cebu, City Hotel, MOA Arena, and Smart Araneta Coliseum by opening shows for such international artists as Vertical Horizon, New Kids on the Block, Backstreet Boys, and David Cook.
At the other night, ginanap na nga ang kanilang major concert.
Actually, bukod sa pagkanta, parang may future rin silang maging sexy actors. Hahaha!
Anyway, available pa rin sa lahat ng record bars nationwide ang kanilang debut album na VFort: The Love Band Project.
The VFort is managed by Viva Artists Agency and Vivre Fort Entertainment, Inc. For more details visit www.cfortband.com.
- Latest