^

PSN Showbiz

Ama ng sikat na singer, nag-init ang tenga nang sabihang masarap ang lips to lips

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nag-init pala ang tenga ng ama ng isang sikat na singer nang sabihin sa kanya ng isang kasama sa show ng kanyang anak na payagan na itong magka-boyfriend dahil masarap ang lips to lips. “Naku daddy masarap ang lips to lips, payagan n’yo na siyang mag-boyfriend please para makatikim naman,” dialogue daw ng girlet na expert sa pagsayaw.

Hindi na lang daw kumibo ang ama ng sikat na singer, pero napikon daw ito bilang isang ama.

“Sino namang ama ang matutuwa sa ganun. Siyempre iniingatan mo ang anak mo tapos sasabihin niya lang masarap ang halikan,” sabi ng source.

Anak nina Kristine at Oyo, hindi ipinagdadamot

Ang cute-cute ng mga anak nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Ang sipag kasing mag-upload ni Kristine ng unica hija nila at ‘panganay’ nilang anak na lalaki sa Instagram. At hindi lang si Kristine ang nagsi-share ng photos ng anak nila sa nasabing networking site, ma­ging si Dennis Trillo. Pag magkasama silang mag-ama (si Carlene Aguilar ang ina), asahan mong mag-a-upload din si Dennis kung ano ang ginagawa ng anak.

Si Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang naunang hindi nagdamot sa kanilang baby Nate na every hour yata ay may bagong picture na ina-upload sa Instagram.

 

Serye nina Iza at Andi ayaw ipa-extend ni Direk Wenn

Ibang level ang sipag at talento ng blockbuster director na si Wenn Deramas dahil hindi lang siya panalo sa box-office pagdating sa ko­medya sa pelikula, kundi pati na rin sa mga dramang ginagawa niya sa telebisyon.

Sa isang panayam sa set ng primetime teleserye niyang Kahit Puso’y Masugatan (KPM), ibinunyag ni Direk Wenn na bagama’t nakakapagod ang schedule ay nasanay na siya na pinagsasabay ang television at movie projects niya.

“Nasanay na ako. Laging pag may pelikula ako ay may soap akong kasabay. Nasanay na ako na M-W-F sa TV at T-Th-S naman pelikula.”

Nang tanungin kung bakit tila sa telebisyon lang siya nagpapamalas ng husay sa pagdidirek ng drama, sagot ni Direk : “Kaya gusto ko lang magdrama sa TV kasi sabi kasi ni Ma’m Charo (Santos) at Boss Vic (del Rosario) brand na ako sa comedy pagdating sa pelikula. Nagbabayad sila para mapanood ka. Huwag mo sirain iyon. Kung gusto mo magdrama, sa TV ka.”

 Dagdag pa ni Direk Wenn, na halos 22 taon na bilang Kapamilya sa darating na Disyembre, pareho siyang kumportable gawin ang dalawang magkaibang genres dahil ayon sa isa sa kanyang mentors, lakas niya ang paggawa o pagbato ng magaganda at tumatatak na linya na pareho niya namang nagagamit sa pagsusulat ng drama at komedya. 

“Sa totoo lang, mas nababaliw ako kung parehong comedy ginagawa ko. Breather na matatawag sa akin ang drama tulad ng KPM. Kaya wala silang naririnig na reklamo sa akin kahit sunod sunod ang taping.”

Kasalukuyang ginagawa ni Direk Wenn ang Kahit Puso’y Masugatan tampok sina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Gabby Concepcion. Dahil sa lalo pang umiinit ang kuwento nito gabi-gabi, tinanong siya kung ie-extend pa ba ang programa na diretsahan naman na sinagot ni direk.

“Pinaglalaban ko na ginawa, inisip, at binuo ito for 20 weeks lang kaya dapat sana 20 weeks lang talaga. Lahat naman din ng ginawa ko tulad ng Mula sa Puso, Marina, Kampanerang Kuba, at iba pa lahat sila hindi ko na pinatagal pa. Mas gusto ko na ‘yung ganoon para ‘yung manonood ay ‘di magsawa. After that gagawa uli ng bago. Mararamdaman ng viewers kasi yan na pinapahaba na lang ang programa.”

Aga at Mrs. Robredo tumangging mag-senador!

Kung senador siguro pareho ang posisyong pinili nina Aga Muhlach at Mrs. Leni Robredo sa 2013 election, malamang manalo rin sila. Nauna nang inoperan ng pagse-senador si Aga, pero obviously tinanggihan nito. Ganundin daw ang byuda ni Sec. Jesse Robredo, pagse-senador din ang unang alok. Pero kongreso ang parehong target nila. Si Aga sa fourth district at sa district 3 ng Camarines Sur si Mrs. Robredo.

Iisa sila ng partido kaya madalas magkasama ang dalawa.

Nauna na ring sinabi ni Aga na isa si dating secretary Robredo sa nakakumbinse sa kanya na puma­laot sa pulitika. (SVA)

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANAK

ANDI EIGENMANN

DIREK WENN

KAHIT PUSO

KRISTINE

LANG

MRS. ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with