Ex-GF ni Albert, eeksena na sa "Two Wives"
MANILA, Philippines - Isang bagong karakter ang darating sa top-rating morning Korean drama na Two Wives simula Lunes (Oct 8). Magbabalik na nga sa buhay ni Albert ang babaeng pinakauna niyang minahal, si Cheska, para maging bagong kasamahan niya sa trabaho. Si Cheska kasi ang naitalagang maging bagong regional director ng kanilang kumpanya. Ano nga ba ang magiging papel ni Cheska sa muli niyang pagbalik sa buhay ni Albert? Kaaway ba siya o kakampi? Paano niya maapektuhan ang relasyon ni Albert at Yvonne? Huwag bibitaw sa mas lalo pang tumitinding kuwento ng nangungunang Korean drama sa umaga, ang Two Wives, bago ang Be Careful With My Heart sa Umaganda ng ABS-CBN.
- Latest