Shakey's HP nakatanggap ng limang awards
MANILA, Philippines - Proud na ibinalita ni Belen T. Martel, chairperson ng Belco Marketing Incorporated (BMI), na ang kanilang ino-operate na Shakey’s Harrison Plaza ay nakatanggap ng limang awards kamakailan mula sa local franchisor na International Family Food Services, Inc.
Ang isa sa mga nauna at sikat na branch na nasa one-stop shopping mall (HP) ay tumanggap ng first place sa QSCH (quality, service, cleanliness, at hospitality) sa una nitong wave audit; best restaurant manager (Eva Mariscotes); best front of house crew (Rose Anne dela Cruz); most improved store; at isang double 100% rating galing sa isang mystery guest sa una at ikalawang store visit.
Ang Shakey’s outlet ay unang nagbukas noong 1975. Sa kasalukuyan ay may 100 outlets na ito at nananatiling numero unong pizza restaurant chain sa bansa.
- Latest