Bentahan ng GMA 7 kay MVP, aborted na!
Aborted na ang isyu ng bentahan ng GMA 7 kay Mr. Manny Pangilinan ng TV5.
Nagkaroon na kahapon ng announcement sa ipinadalang statement ng GMA 7 : “MediaQuest Holdings Inc. (Mediaquest) and the major shareholders of GMA Network, Inc. (GMA) have announced the termination of recent discussions with respect to a possible acquisition of a controlling interest in GMA by Mediaquest and its affiliate within the PLDT Group. The parties have been unable to arrive at mutually acceptable terms despite the continual discussions and efforts exerted in good faith,” sabi sa statement.
“The issues that the parties were not able to resolve had nothing to do with the price,” sabi ni Mr. Felipe L. Gozon, President/COO ng GMA 7. Kahit sinasabing walang kinalaman ang presyo, maraming pa ring duda dahil sinasabing P60 billion ang halagang pinag-uusapan.
Pero dagdag ni Mr. Gozon, kung merong serious offer sa mga susunod na panahon, puwede pa raw nilang i-consider. “If there is a serious offer in the future, then we are willing to consider.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi natuloy ang bentahan ng GMA 7 sa MediaQuest.
Samantala, ayon sa report bumagsak ang shares ng GMA kahapon pagkatapos mabalitang hindi na matutuloy ang bilihan.
Tapos na ngayon ang pag-asa ng ibang artista na magkakasama ang dalawang channel. Mas malaki nga naman ang magiging market nila kung magpapalipat-lipat sila sa dalawang channel.
Aljur nag-iipon para makabili ng bahay
Bahay ang tinatarget na bilhin ngayon ni Aljur Abrenica. Pero nag-iipon pa siya dahil lupa sana ang uunahin niyang bilhin at saka nila patatayuan ng duplex house.
“Gusto kasi ng magkapatid na magkaroon ng kanya-kanyang private place,” kuwento ng nanay ni Aljur na si Amor na sandaling nakipagtsikahan after ng presscon ng Coffee Prince.
Actually, nag-plano sanang bumili ng town house si Aljur, three bedroom, sa Quezon City pero nang magkaroon ng mabagat, binaha, kaya nag-backout sila.
Mahal pa naman ang nasabing town house dahil high end ito at hindi basta-basta.
Meron din silang tinarget sa may New Manila, pero nadiskubre rin nilang binabaha kaya umatras na naman sila.
Saka as much as possible, ayaw daw nila ng may utang. Kung bibili sila, cash ang gusto nila.
Pero may kaibigang nagpapayo kay Mommy Amor na habang maganda ang takbo ng career ni Aljur ay bumili na sila.
“Naghahanap pa kami at nag-iipon,” sabi ng mommy ni Aljur na bagets na bagets pa ang hitsura.
Anim na taon na silang nagrerenta sa may area ng Morato at hindi biro ang bayad. Dahil nagrerenta lang, hindi nila mapaayos ang bahay.
Maligayang-maligaya ngayon ang nanay ni Aljur dahil sa bagong show ng anak. Matagal-tagal na rin naman kasi ang huling regular show ni Aljur, Amaya pa yata. Sandali rin siyang nakasama sa isang show.
At habang naghihintay sa regular show, nagkaroon naman si Aljur ng maraming provincial shows at mangilan-ngilan sa abroad. Idagdag pa ang mga endorsement ng Kapuso actor.
Anyway, ang Coffee Prince ay kuwento nina Andi (Kris Bernal) at Arthur. Andy is a hardworking young woman who supports her mother and sister after the death of their father. To sustain heir daily needs, she earns a living as a tricycle driver.
Si Arthur naman is a happy go lucky and wealthy bachelor whose family owns the biggest coffee factory in the country. His grandmother constantly pressures him to settle down but Arthur is not yet ready to tie the knot.
Pinoy version ito ng Koreanovela na pumatok nang ipalabas ng GMA 7 noong 2008.
Magsisimula itong mapanood sa October 8 right after Luna Blanca.
- Latest