Pero ayaw pangalanan... Erich halos isang taon na ang relasyon sa non-showbiz guy
Ngayon pa lamang ay kinakabahan na si Erich Gonzales para sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nila ni Thai Heartthrob Mario Maurer na Suddenly It’s Magic mula sa Star Cinema. “Right now sobrang pressured, kinakabahan but at the same time masaya po dahil finally po ‘yung pinaghirapan namin mapapanood na natin sa big screen ngayong October 31,” nakangiting pahayag ni Erich.
May mga pinagdaanang challenge raw ang dalaga habang ginagawa ang nasabing pelikula. “Nag-shoot kami sa Ilocos for about three weeks and we stayed sa Thailand din for two-three weeks siguro. Pinaka-challenge siguro is nasa ibang lugar ka and first time lahat. Pero ‘yung experience sa kabuuan, sobrang masaya talaga. It was a fun shoot at sobrang masaya lahat,” dagdag pa ng aktres.
Masaya si Erich dahil hindi lamang sa Pilipinas ipalalabas ang nasabing pelikula kundi maging sa ibang bansa katulad ng Malaysia at Thailand.
Samantala, kuntento naman daw si Erich ngayon sa kanyang buhay pag-ibig. “Hindi naman po ako nagde-deny na sinasabi kong may special someone sa mga past interviews ko before and I am dating a non-showbiz guy over a year na and nasa right age naman na ako. He is non-showbiz pero naiintindihan niya ‘yung work ko and he is very supportive. ‘Yun na po muna ang masi-share ko bilang respeto na rin po sa family niya, sa kanya kasi hindi naman po sila sanay sa ganito,” paliwawag ng aktres.
Karylle paminsan-minsan lang magpapa-sexy
Kapansin-pansin talaga ang magandang pangangatawan ni Karylle ngayon at napa-flatter daw ang dalaga sa tuwing may nakakapansin nito. Paano nga ba pinangangaalagaan ni Karylle ang kanyang katawan? “I actually started my diet December of last year, but it was a slow steady diet. I don’t want to do any crash diet kasi nagugutom ako. I’ve made my breakfast healthier, tapos I did a lot of workouts especially in LA (Los Angeles) kasi healthy naman sila doon. Lahat ng pagkain ma-calories sa States, maraming salad,” kuwento ni Karylle.
Hindi naman daw nangangahulugan na magtutuluy-tuloy na si Karylle sa pagtanggap at paggawa ng mga sexy projects katulad ng kanyang ginawa sa Bench Universe show kamakailan. “Sapat na yata ang nakita nila sa Bench Universe para minsan magulat-gulat din sila,” natatawang pahayag ni Karylle.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest