^

PSN Showbiz

LT tuloy pa rin kina Dingdong at Kylie!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Matutuloy ang pagtatambal nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla sa isang teleserye, kahit nagpasya ang GMA 7 na i-shelve ang Haram.

Mababago lang ang kuwento pero kasali pa rin sa cast si Lorna Tolentino. Saka ko na ikukuwento ang bagong plot ng primetime show na pagsasamahan nina Dingdong, Kylie at Lorna.

Christopher pasok

na pasok sa el presidente

True ang sinabi ni Laguna Governor Jeorge “ER “ Ejercito­­­ na cast member si Christopher de Leon ng El Presidente.

Naka-thirty shooting days na ang pelikula ni ER na official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival. Waiting na lang ako sa tawag nila para sa shooting schedule ni Christopher na kakandidato uli bilang board member ng Batangas Province.

Bago ko makalimutan, kasali rin si Christopher sa primetime show nina Dingdong, Kylie at Lorna. Tinanggap namin ang offer dahil maganda ang role. Ang taping ng bagong drama series ng GMA 7 at ang shooting ng El Presidente ang mga pagkakaabalahan ni Christopher bago siya sumabak sa pangangampanya.

Gov. Er marami pang gagawing pelikula

Hindi ang El Presidente ang last movie project na pinaplano ni ER. Mara­ming movie projects ang nakalinya na gagawin niya na ikatutuwa ng mga manggagawa sa pelikulang Pilipino na nabibigyan niya ng trabaho.

Kung mapapansin ninyo, mga quality movie ang ginagawa ni ER. Una ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na humakot ng awards at susundan ito ng El Presidente na pinupuri ang movie trailer.

Pero El Presidente ang last movie ni ER para sa 2012 dahil magiging abala na rin siya sa pangangampanya.

Susuportahan ko ang pelikula ni ER dahil kabilang siya sa iilang aktor na nagbibigay ng importansiya sa entertainment press. Sa tuwing may mga magagandang nangyayari sa kanyang political at showbiz career, hindi nakakalimot si ER sa entertainment press.

Ibinalita ni ER sa Thanksgiving presscon noong Martes na mataas ang ratings niya sa latest survey. Gusto pa rin daw ng mga residente ng Laguna na siya ang maging pinuno ng kanilang lalawigan. Malaki ang iginanda at iniunlad ng Laguna mula nang maluklok sa puwesto si ER.

Maita lalong nakilala

sa mtv ng Laguna

Kakandidato uli si Maita Ejercito sa 2013 bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna. Second term na ni Maita na lalong nakilala dahil sa MTV ng Laguna.

Si Maita ang kumanta ng theme song ng Laguna. Bongga ang MTV na kinunan sa lahat ng sulok ng kanilang probinsiya. Si Louie Ignacio ang direktor ng MTV at magkababayan sila ni Maita dahil residente rin siya ng Pagsanjan. Hindi pa ako nakakarating sa vacation house ni Louie sa Pagsanjan pero marami ang nagsasabi sa akin na maganda ang bahay niya na mala-resort ang ambience.

ASIONG SALONGA STORY

BATANGAS PROVINCE

EL PRESIDENTE

LAGUNA

LAGUNA GOVERNOR JEORGE

LORNA

LORNA TOLENTINO

MAITA

PAGSANJAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with