Papa Chen exclusive na sa Kapamilya
Ceritifed Kapamilya na ang lalaking unang napansin sa My Binondo Girl bilang kapareha ni AiAi delas Alas. Pumirma na si Richard Yap o kilala pa rin sa taguring Papa Chen ng isang exclusive contract sa ABS-CBN. Dalawang taon ang kontrata niya na sasakop hindi lamang sa paglabas niya sa TV kundi maging sa paggawa ng recording at paglabas sa pelikula.
Dahilan sa inaasahang magiging kaabalahan niya sa pagiging artista, kinakailangang iwan ng matagumpay ding negosyante ang kanyang highly paying job bilang marketing man sa isang kumpanya sa Cebu. With his knowledge and expertise sa kanyang trabaho, inaasahang makakabalik siya o makakakita ng iba pang trabaho kapag natapos niya ang kanyang kontrata sa Kapamilya Network at mag-decide na maging private citizen muli. Sa kasalukuyan ay umaani ng tagumpay at popularidad ang serye niyang umeere sa umaga, ang Be Careful with My Heart kasama si Jodi Sta. Maria. Ang tagumpay ng serye ay dahilan para makapaglabas ito ng isang OST album na naglalaman ng mga awitin nina Richard, Jodi, Aiza Seguerra, at Juris.
Love team nina Bea at Jake puro kadramahan naman ang gagawin
Binigyan na rin ng GMA 7 ng isang serye na pagbibidahan ng love team nila sina Jake Vargas at Bea Binene. Kung sa Tween Hearts ay nasanay sila sa pagganap ng mga light role, sa bago nilang teleserye na Angelina del Cielo ay heavy drama ang sasabakan nila. Kailangang paghandaan ng dalawa ang bago nilang project na kung saan ay makakasama nila sina Jessa Zaragosa, Isabel Granada, Mico Palanca, Yassi Presman, at Hero Angeles.
- Latest