^

PSN Showbiz

Lumipat lang sa ABS-CBN Paulo recording artist na rin

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Recording artist na ang actor na si Paulo Avelino. Kahapon ay inilunsad na ang kanyang debut album – self titled – under Universal Records. When She Cries ang carrier single.

Aminado siyang hindi niya noon naisip na magkakaroon ng album though kumakanta-kanta na siya. “Noong bata pa ako, lumaki ako sa mga kantang pang-banda like Parokya ni Edgar at Eraserheads at pumasok naman sa isip ko na gusto lang subukan,” simula niya.

Hanggang nagkaroon siya ng chance na makakanta sa ASAP nang lumipat siya sa ABS-CBN. Nang mapanood sa YouTube ng manager niyang si Leo Dominguez ang tungkol sa pagkanta niya, napag-usapan nila ang tungkol sa album at ngayon nga ay nasa mga music stores na.

Kasama sa unang album niya ang Gaano Kadalas Ang Minsan ni Basil Valdez, Alamid’s Your Love, APO’s Yakap Sa Dilim, Boyfriends’ Bakit Labis Kitang Mahal and If You Believe. The album also includes minus-one versions of the tracks.

Anyway, bukod sa album, bumongga talaga ang career ni Paulo nang lumipat siya sa Kapamilya Network. Napasama siya sa magtatapos na Walang Hanggan na kinabaliwan ng mga manonood. Maganda ang naging pagtanggap sa kanya sa nasabing serye nila Coco Martin at Julia Montes.

Pero after this serye, wala pa siyang alam na gagawing serye. Though meron naman daw siyang dalawang pelikulang tinatapos sa Regal Films.

Samantala, mag­kakaroon ng album launch ang actor sa ASAP at meron siyang special show para sa fans sa October 7 sa SM The Block Sky Dome. May kakaiba raw gagawin ang actor na ikaaaliw ng kanyang mga fans. (SVA)

                                                               

vuukle comment

ALBUM

BAKIT LABIS KITANG MAHAL AND IF YOU BELIEVE

BASIL VALDEZ

BLOCK SKY DOME

COCO MARTIN

GAANO KADALAS ANG MINSAN

JULIA MONTES

KAPAMILYA NETWORK

LEO DOMINGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with