Kapamilya stars, nakiisa sa Run, Ride & Roll for the Pasig River
MANILA, Philippines - Kahit na abala sa kani-kanilang mga programa sa TV ay gumising ng maaga ang pinakasikat na celebrities ng ABS-CBN upang makiisa sa mahigit 70,000 katao sa 09.30.2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River sa Quezon City kamakalawa (Sept 30). Tumakbo si Kuya Kim Atienza at Matteo Guidicelli sa 21K CEO River Warrior Run kasama sina Sen. Pia Cayetano, ABS-CBN chairman at CEO Eugenio ‘Gabby’ Lopez III, at ang Ayala Corp. president at COO na si Fernando Zobel de Ayala habang humataw naman sina Kim Chiu, Maja Salvador, at Xian Lim sa 5K Morning Madness Run. Nag-host din sina Kuya Kim at Matteo sa post-race program upang aliwin ang mga kalahok kasama sina Sam Milby, Robi Domingo, Venus Raj, Jovit Baldivino, at Marcelito Pomoy sa Quezon Memorial Circle. Layunin ng event organizer na Kabit Bisig Para sa Ilog Pasig na makalikom ng P14 milyon upang simulang linisin ang mga estero sa Quezon City bilang bahagi ng pitong taong programang rehabilitasyon ng Ilog Pasig.
- Latest