Kapuso stars mainit na tinanggap ng mga Ilokano
MANILA, Philippines - Mainit na tinanggap ng mga Ilokano noong September 8 sa selebrasyon ng World Heritage Cities Solidarity Cultural Festival ang Kapuso stars na sina Mike Tan, Michelle Madrigal, Vaness del Moral, Wil Devaughn, at Isabel Oli ng taos-puso nilang pasasalamat sa pagtangkilik sa Faithfully na natapos na noong Biyernes.
Kasama nilang nagbigay-saya sina Bianca King (Luna Blanca), Manilyn Reynes, John Feir, at Angel Satsumi (Pepito Manaloto), Jensen Tenoso at Nomer Limatog (Protégé Season 1) at ang sexy Kapuso actress na si Ehra Madrigal sa inihandang Kapuso Day ng nangungunang GMA Network.
Para kay Mike Tan, tuwang-tuwa raw siya dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Ilokano sa kanila. Ito raw ang nagsisilbing inspirasyon niya para lalo pang pagbutihin ang kaniyang pag-arte.
Pinahanga naman nina Nomer at Jensen ang mga manonood sa kanilang opening number sa nasabing event. Sinundan naman ito ng ilang exciting pocket activities kagaya ng Palarong Pinoy at Kapuso Videoke Challenge.
Sakay ng mga kalesa, pinangunahan din ng Kapuso stars ang Repazzo de Vigan Parade. Nagtapos naman ang araw sa isang Kapuso Night na dinumog ng higit-kumulang 5,000 katao.
Mapapanood ang highlights at iba pang kasiyahan ng Solidarity Cultural Festival sa October 21 na ipalalabas sa Let’s Fiesta TV Special sa pamamagitan ng GMA Network regional stations sa Ilocos, Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, GenSan, Bacolod, at CDO.
- Latest