Mga artistang kakandidato sa Friday pa magpa-file ng kandidatura!
PIK: Nagkaroon ng meeting kahapon sa GMA 7 ang buong cast at staff ng Haram para i-finalize na hindi na matutuloy ang drama series na ito.
Pag-uusapan pa raw kung ano ang ipapalit na serye dahil tinitiyak nilang tuloy pa rin ang tandem nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla.
Nanghihinayang lang sila dahil maganda pa naman daw ang project na klinaro nilang walang masasagasaan na ibang sector ng lipunan lalo na ang mga kapatid nating Muslim.
Para na lang daw sa kaligtasan at katahimikan ng lahat, mabuting i-shelve na lang at palitan na lang ng isa pang magandang proyekto.
PAK: Ang hunk ng Cebu na si Bryan Benedict ang natanggal sa nakaraang gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break.
Nagpaalam na rin ang mentor na si Ricky Davao dahil ito na ang huling protégé ng actor/director.
Marami ang nalungkot sa pagpaalam ni Bryan dahil naaawa sila rito dahil nahihirapan namang magbigay ng suporta ang mga magulang niyang may kapansanan sa pagsalita at pagdinig.
BOOM: Nagsimula nang mag-file ng certificate of candidacy ang mga may balak na tumakbo sa 2013 elections.
Pero karamihan sa mga taga-showbiz na balak kumandidato ay sa October 5 pa magpa-file.
Ang isa sa inaabangan na mag-file ay si Jolo Revilla na tatakbong Vice Governor ng Cavite.
Hindi visible si Jodi Sta. Maria sa mga nakaraang events ng young actor. Pero rito kaya sa filing niya ay sasamahan niya ito bilang pagbigay ng suporta?
Sabi naman ni Jolo, kahit wala si Jodi ay okay lang daw sa kanya, dahil ayaw naman niyang mapunta rito ang focus ng lahat.
Alam niyang nandiyan ang suporta ni Jodi sa kanya na puwede naman niyang ibigay sa ibang paraan.
Wala pa rin kasing opisyal na statement mula sa dalawa kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.
- Latest