^

PSN Showbiz

Drama Queen Charice dinaig pa sa pagngalngal ang natsuging talent sa X Factor

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Drama Queen si Charice sa The X Factor Philippines. Dinaig pa niya ang pag­ngalngal ni Allen Sta. Maria, ang kanyang protégé na eliminated sa The X Factor Philippines noong Linggo.

SCENE: Nagsimula kahapon ang hosting stint ni Edu Manzano sa Good Morning Club ng TV5. Kailangan na ni Edu na magpagupit ng buhok.

SEEN: May tweet si Jillian Ward na okay lang na wala itong regular television show dahil may oras siya para sa kanyang pag-aaral at pamilya.

SCENE: Pang-pelikula ang quality ng A Beautiful Affair, ang primetime show ng ABS-CBN na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

SEEN: Seksing-seksi si BB Gandanghari sa dance number niya sa Sarah G. Live! noong Linggo pero marami ang hindi pa rin makapaniwala na siya ang dating hunk actor na si Rustom Padilla.

SCENE: Sintunadung-sintunado ang boses ni Ruru Madrid ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break nang kantahin niya ang Crazy for You ni Madonna. Hindi dapat pinapa­kanta si Ruru.

SEEN: Nagpaalam na si Ricky Davao bilang mentor ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break dahil naubos na ang kanyang mga protégé. Eliminated noong Linggo ang alaga ni Ricky na si Bryan Benedict.

SCENE: Wala si DJ Durano sa presscon ng This Guy’s in Love with You Mare. Si DJ ang signature actor ni Wenn Deramas, ang direktor ng pelikula nina Vice Ganda, Luis Manzano, at Toni Gonzaga. Hindi nawawala si DJ sa lahat ng mga project ni Wenn, sa pelikula man o telebisyon.

A BEAUTIFUL AFFAIR

ALLEN STA

BEA ALONZO

BIG ARTISTA BREAK

BRYAN BENEDICT

DRAMA QUEEN

EACUTE

EDU MANZANO

LINGGO

X FACTOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with