^

PSN Showbiz

Prada bag basta na lang ibinigay kahit walang okasyon, Xian binubusog ng regalo si Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga nina Kim Chiu at Xian Lim dahil malapit nang mapanood sa telebisyon ang pinakabagong teleseryeng Ina, Anak, Kapatid. Malayung-malayo sa kanilang ginawa sa My Binondo Girl sa kanilang ipa­mamalas sa nasabing bagong proyekto.

“Maraming bago sa teleser­yeng ito. ’Yung character ko na ibi­bigay ko para sa viewers ko ngayon, sobrang kakaiba,” bu­ngad ni Kim.

“This is something different, ito na ’yung hinihintay nila. Sana ’yung support nila sa My Binondo Girl. Sana mabigay nila kina Celine at Liam (bagong karakter ng dalawa),” sagot naman ni Xian.

Malaki na talaga ang ipinagbago ng samahan ngayon nina Kim at Xian mula nang unang beses nilang nagkasama para sa isang proyekto.

“Mas naging close kami ngayon. Si Xian sumasama siya sa amin ngayon since kaunti lang friends niya from showbiz, ’yun ang sabi niya, loner siya,” kuwento ni Kim.

Ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pa­nu­nuyo ni Xian sa dalaga.

“Tinatrato niya ng special ang buong pamilya ko. Kahit pumunta siya sa mall show sa Cebu, gusto niyang dalawin lola ko. Sabi ko anong gagawin mo sa lola ko? Sabi niya puwede bang dumalaw sa bahay n’yo? Anong gagawin mo doon? Wala makikikain lang, parang nakakatuwa naman at sana hindi siya mapagod at magsawa. Kapag umaalis siya sa bansa, may pasalubong siya sa akin. ’Yung gift niya na wala namang okasyon, ’yung bag na pink, ’yung Prada bag, sabi ko anong meron, wala lang, mga two months ago siguro,” kuwento pa ni Kim.

“Masaya naman kami kung ano kami, ang ba­hala na kung kailan maging kami or ano man. Tingnan na lang natin. Mas mahirap kasing magtrabaho kung magdyowa kayo,” giit pa ng dalaga. 

Jolo hindi mapiga sa relasyon nila ni Jodi

Kamakailan ay napabalitang may espesyal nang namamagitan kina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla. Hindi man deretsahang inamin ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon ay suportado naman ng mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. at Congressman Lani Mercado si Jolo pagdating sa pag-ibig.

“Kung anuman ang pagbatikos sa kanyang love life eh gawin niyang pribado dahil alam ko darating ang panahon na sasabihin at sasabihin naman niya ’yung totoong sitwasyon. Hindi naman itinatago, he’s just being careful with his heart and that’s person’s heart,” nakangiting pahayag ni Rep. Lani.

Nagbigay naman ng pahayag si Jolo tungkol sa diumano’y pag-iwas niya sa usaping pag-ibig.

“Hindi naman ako naging mailap, basta ang masasabi ko lang, gusto ko muna ay ibalato n’yo na lang sa akin ’yun. Sana irespeto n’yo ’yun, at the right time will come at pag-uusapan natin ’yan. I just wanna keep my life private, just be careful with my heart,” makahulugang pahayag ni Jolo.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BONG REVILLA

CONGRESSMAN LANI MERCADO

JODI STA

JOLO

JOLO REVILLA

MY BINONDO GIRL

NAMAN

SANA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with