^

PSN Showbiz

Childhaus may permanenteng lugar na

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Ang Childhaus ay temporary shelter ng mga batang maysakit at kanilang mga guardians sa mga charity projects ni Mader Ricky.

September 20, 2004 ito unang itinatag sa bakuran ng Quezon Institute sa E. Rodriguez Avenue, Kyusi sa pagtutulungan nina MMDA Chairman Bayani Fernando, PCSO Chairwoman Honeygirl Singson, Ricky Reyes Foundation, Fil-Hair Coop officers and members, managers ng Ricky Reyes Salons, at iba pang NGO.

Nang ilipat ang PCSO sa isang bagong opisina’y tumanggap ng letter of eviction sina Mader Ricky nung 2011. Nalungkot ang mga kinukupkop na mga bata dahil naging tahanan nila ang iiwang lugar sa loob ng pitong taon.  Makabagbag-damdamin ang kanilang paglisan sa E. Rod hanggang sa pag­lipat sa isang bahay sa Ofe­lia Village sa Project 8, Kyusi na inupahan nina Mader at iba pang donors sa loob ng isang taon.

Kakaiba na ang lipatang naganap noong September 20, 2012 mula Ofelia Village patungo sa isang permanente at marangyang bahay sa No. 90 Mapang-akit St., Diliman, Kyusi na donasyon ng business tycoon na si Mr. Hans Sy na anak ng ama ng SM Chain na si Mr. Henry Sy.

Sa inagurasyon at ribbon-cutting ay dumalo sina Mrs. Felicidad Sy at Carol Sy (ina at kabiyak ni Hans). Nagbigay din ng mga kitchen at living room furniture and fixture na si Ms. Korina Sanchez-Roxas, Mr. and Mrs. Ramon Santos ng Nueva Ecija na naghandog ng mga playground rides, si Ms. Darling de Jesus na nag-represent sa Rotary Club of Salcedo, Makati na nag-provide ng drinking water sa mga bata, at Mr. Bong Quintana na nag-abot ng tsekeng P200,000 mula sa PAGCOR. Dumating din ang dating Marikina City Mayor Marides Fer­nando, QC First Lady Ms. Tates Gana-Bautista, Pasay City FL Edna Calixto, Ms. Earth 2012 Stephanie Stefanowich at finalists ng reality Kapuso show na Protegee.

Ang blow by blow account ng pagdiriwang ay mapapanood ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa GMA News TV program na Life and Style with Ricky Reyes.

Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ni Mother Ricky sa lahat ng mga tumulong para sa permanenteng Childhaus.

ANG CHILDHAUS

CAROL SY

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRWOMAN HONEYGIRL SINGSON

EDNA CALIXTO

FIL-HAIR COOP

KYUSI

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with