^

PSN Showbiz

Bagong show ni Regine ilulunsad sa Party P.

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Isang Non-Stop Concert ang handog ng Channel Party Pilipinas ngayong Linggo. Ang mga resident artists at special guests ay magtatapatan bilang Team Luzon, Team Visayas at Team Mindanao sa kanilang mga production numbers.

Kilalanin din ang mga most liked celebrities ngayon sa telebisyon sa Most Liked Awards.

Abangan ang launching ng bagong programa ng Asia ’s Songbird Regine Velasquez, ang Sarap Diva. Makakasama rin ni Regine and paboritong leading man na si Aga Muhlach sa isang special live performance. At siyempre ihahatid na naman ng tambalang Mr. and Mrs. A ang isang heartwarming story sa Dear Mr. and Mrs. A.

Ang mga diva na sina Jaya, Kyla, Frencheska Farr, Krizza Neri at Julie Anne San Jose ay magbibigay pugay sa isang music icon sa VOX. Samatala ang La Diva na sina Maricris Garcia, Aicelle Santos at Jonalyn Viray ay susubukan ang kakayahan ng mga aspiring divas sa VOX Challenge.

Pagkatapos ng kanyang successful first single na I’ll Be There na nagdala sa kanyang self-titled album sa Gold Record status, ire-release ni Julie Anne ang kanyang bagong single kasabay ng music video premiere nito.

 Ang grand heiress ng Superstar Nora Aunor at Asia ’s Queen of Songs Pilita Corales na si Janine Gutierrez ay magse-celebrate ng kanyang birthday kasama ang mga taong malapit sa kanyang puso. Ang Rhythm and Boys naman na sina JayR, Kris Lawrence, Mark Bautista, Gian Magda­ngal at Down to Mars ay tiyak na magpapakilig sa kanilang soul­ful rendition ng isang girl band hit song.

Ang partners-in-crime na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs ay maghahatid ng something naughty and nice para sa lahat ng manonood.

Huwag palagpasin ang Channel Party Pilipinas ngayong Linggo sa GMA.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AICELLE SANTOS

ANG RHYTHM AND BOYS

BE THERE

CHANNEL PARTY PILIPINAS

FRENCHESKA FARR

GIAN MAGDA

GOLD RECORD

ISANG NON-STOP CONCERT

MRS. A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with