Christopher De Leon lalagare sa GMA at TV5
MANILA, Philippines - Kasama si Christopher de Leon sa cast ng Kidlat ng TV5 na pagbibidahan ni Derek Ramsay, pero magsisimula lang siyang mag-taping ‘pag tapos na siyang mag-taping para sa Luna Blanca.
Sabi ng manager nitong si Lolit Solis, sinabihan ang aktor na mag-taping na sa October 10 na siyang first taping day, pero nakiusap itong tatapusin muna ni Boyet ang taping niya sa soap ng GMA 7 bilang respeto.
Isa raw sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang teleserye ay dahil naging mabait ang TV5 sa kanya noong ginawa niya ang Sa Ngalan ng Ina nila ni Nora Aunor.
Walang kontrata si Boyet sa kahit anong network, kaya puwede siyang mag-network hopping. Mas gusto ng aktor ang ganitong libre siyang tumanggap ng trabaho sa alinmang network.
Nabanggit nito sa presscon ng Book Three ng Luna Blanca na makakagawa pa siya ng isang soap bago ang campaign period sa March 2013. Tatakbong congressman sa first district ng Batangas ang aktor sa darating na election.
BARBIE IPINAGTANGGOL SI BEA
Kahit hindi sila close, ipinagtanggol ni Barbie Forteza si Bea Binene sa hinaharap nitong kontrobersiya. Hindi siya naniniwala sa bintang na may relasyon ito sa radio jock at sa pagkakakilala niya sa kaibigan, sa trabaho ang focus nito at hindi love life.
“Napaka-imposible nang ibinibintang sa kanya,” sabi ni Barbie.
Matutuwa si Barbie dahil suportado ng GMA Network si Bea at sana nga matapos na ang isyu sa kanya’t magsimula na itong mag-taping ng Angelina del Cielo nila ni Jake Vargas.
Si Barbie nama’y October 1 na ang taping ng Mariposa nila ni Derrick Monasterio sa direction ni Mark Reyes. Light fantaserye ito at gaganap siyang paru-paro, pero magsisimula siya bilang higad, kaya lalagyan ng prosthetic ang mukha.
Gina Alajar napabilib
sa akting ng anak
“Bb. Gina Alajar” ang pagpapakilala sa actress-director ng Magdalena, ang afternoon prime ng GMA 7 na kanyang idinidirehe. Isa rin ang soap sa may pinakamalaking cast at malayo ang taping, naiintindihan namin kung bakit ginusto ni Direk na iwan sana ang maging mentor ng Protégé.
Isa sa mga artista ni direk Gina ang anak na si Ryan Eigenmann at kahit anak niya. Napuri pa rin niya ang dedication at husay sa pag-arte. Kapag may new project ang anak, nagdidiskusyon sila after reading the script at ginawa nila ito sa Magdalena.
Proteges
may kanya-kanyang
manager na
May mga manager na ang ibang protégés hindi pa man napipili ang winners. Si Mikoy Morales ng Team Visayas, si Becky Aguila ang manager, kaya pinu-promote sa Twitter ni Empress Schuck at ibang talents ng manager.
Si Mikoy din ang nagbalitang pumirma silang proteges ng one year booking contract sa GMA Artist Center. Booking palang ‘yun at hindi pa bilang talent, pero dahil nasa Top eight ng Proteges: The Battle for the Big Artista Break ang binata, tiyak na ikokontrata siya ng GMAAC.
Naniniwala ang mentor ni Mikoy na si Jolina Magdangal na malaki ang laban ni Mikoy dahil maraming talents at magaling magsalita. Si Jeric Gonzales ang nakikita ni Mikoy na makakalaban sa mga lalake at sa babae, isa kina The Tolentino at Elle Ramirez ang hinuhulaan niyang mananalo.
Kaklase ni Tisoy
mahusay umarte
Pamilyar ang face ng aktres na gumaganap na Carol sa One True Love, gumaganap na kaklase sa college ni Tisoy (Alden Richards). Hindi kami nagkamali dahil napanood na namin siya sa indie film na Ang Nawawala.
Ang tinutukoy namin ay ang aktres na si Anicka Dolonius. Magaling na aktres ang dalaga batay sa nakita namin sa Ang Nawawala, sana habaan ng konti ang labas niya at damihan ang exposure.
- Latest