Zsa Zsa hands on na 'mommyger' kay Zia!
MANILA, Philippines - Hindi nagmamadaling sumikat si Zia Quizon kaya’t nananatiling natural at walang pressure ang kanyang paggalaw sa mundo ng showbiz.
“I guess what people find refreshing about me is I don’t care much about pressures because I am just an average girl who happened to end up with a music career,” wika ng bente anyos na dalaga na sumikat sa kantang Ako Na Lang at siyang kumanta ng bagong radio jingle ng Magnolia Healthtea Powdered Drink Mix na may temang ‘Everyday’s an awesome day!’
Simple lamang ang pinakabatang anak ng pumanaw na Comedy King Dolphy at tinaguriang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Maliban sa hilig niya sa pagkanta, sumusulat rin si Zia ng kanta at tula, nagluluto at nag-aalaga ng mga aso.
Hindi raw niya pinangarap noon na maging recording artist.
Ngunit matapos kumanta sa album ni Dolphy na Handog ni Pidol: A Lifetime of Music and Laughter, nakita ng marami ang kanyang potensyal bilang singer. Kuwento pa niya: “When I was a baby, my grandfather and mom said that I used to hum to myself. Ngayon, kabilang sa mga hilig niyang pakinggan ang musika nina Jason Mraz, John Mayer, Regina Spektor at Billie Holiday.
Sa ngayon ay ang inang si Zsa Zsa ang gumagabay sa kanya pagdating sa career.
“She is a really good stage mom. And she is the best ‘mommyger’. She likes being hands on with my career because she knows I am shy. So I guess her maternal instinct is going to take over because she knows how the showbiz industry can be. She is very protective of me in that sense,” ani Zia na nagkaroon na ng sariling album at napapanood sa ASAP Rocks sa ABS-CBN.
Karagdagang biyaya pa si kanya ang pagiging endorser ng Magnolia Health Tea Powdered Drink Mix.
Kinuwento ni Zia na dati ay mabigat ang timbang niya. Kaya naman maaga niyang natutunan ang tungkol sa “healthy lifestyle choices”.
“I’m really excited with this endorsement because I’m a tea drinker and I like the healthier options in life. Magnolia Healthtea Powdered Drink Mix is a good fit for me,” wika ni Zia.
Ang produkto, na mayroong flavors na apple, lemon at mango ay maganda sa katawan ayon kay Zia dahil mayroon itong antioxidant na tinatawag na polyphenols na matatagpuan sa tea at nakakatulong makabawas ng stress. Mayroon din itong Vitamin C na makakabuti sa immune system.
Matapos ang pagkanta, isusuong na rin kaya ni Zia ang sarili sa pelikula at TV?
“I don’t really have any concrete plans to start acting soon because I’m a very inhibited person. Mahiyain ako. But I’m a never say never type of person, so I don’t know, maybe one day I might get curious,” ayon sa kanya.
- Latest