^

PSN Showbiz

Hindi pa makaarangkada sa 'Pinas DK Valdez panay ang raket sa Europe

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Masaya at sobrang proud ni DK Valdez nang mapanalunan niya sa 4th PMPC Star Awards for Music ang best new male recording artist para sa album niyang DK Valdez: It’s All About Love ng BWB Records.

Kagagaling lang niya sa Germany kung saan ay nag-iisa siyang Pinoy sa orchestra na nag-perform. Pangatlong beses na siyang bumalik sa Europe bilang performer.

Nagkaroon din ang singer ng award sa Germany bilang best performer pero iba ang feeling na manalo sa sarili nating bansa, dun nga sa Star Awards.

“Kahit nomination lang sa akin, okay na eh. Sobrang kaligayahan. Alam mo pag-uwi ko, pagtulog ko, yakap-yakap ko ’yung trophy. Hindi nga, hanggang sa makatulog  ako,” nakangiti niyang kuwento.

“Umiyak ang nanay ko nang mabalitaan niya na nanalo ako. Humingi ng balato. Hahaha! Akala niya may cash prize. Actually, pati sa Germany, nabasa sa Facebook ko, humihingi ng balato kasi akala nila may pera. Sa Germany kasi may cash na natatangap ’pag nanalo pero sabi ko trophy lang ’yan.”

Magko-concentrate na ba siya sa ’Pinas at seseryosohin ang singing career niya dahil nanalo siya ng award?

“Gusto ko sana mag-concentrate na kaya lang meron pa akong project sa Germany na Christmas album. Matatapos kasi ang kontrata ko run, January 3. Babalik ako dun ngayong October dahil meron pa akong kontrata na three months pa. Next year, baka full blast na ako,” sabi niya.

Ang carrier single niyang Tatanggapin Pa Ba Kita ay pinapatugtog din sa Pinoy Radio UK sa London, England na kung saan maraming Pilipino ang nakikinig. ’Yung kanta niya ay two weeks nang No. 1. Naunang pinatugtog dun ’yung ni-revive niyang kanta ni Marco Sison na My Love Will See You Through na pumasok naman sa Top 10. Tinatangkilik daw talaga ng mga Pinoy doon ang kanyang kanta dahil nakaka-relate sila sa lyrics.

vuukle comment

ALL ABOUT LOVE

MARCO SISON

MY LOVE WILL SEE YOU THROUGH

NIYA

PINOY

PINOY RADIO

SA GERMANY

STAR AWARDS

TATANGGAPIN PA BA KITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with