Alemang wanted pinakawalan ni Congressman
MANILA, Philippines - Sisiyasatin ni Anthony Taberna kung paanong nakalaya ang isang German national na dapat sana ay nakadetene sa tulong ng kanyang backer na isang congressman ngayong Lunes (Sept. 24) sa XXX.
Ide-deport na sana ng Bureau of Immigration ang dayuhang Aleman dahil kabilang ito sa listahan ng wanted sa Germany nang biglang sinampahan ito ng kasong estafa. Naantala ang pagpapaalis sa kanya hanggang umabot sa puntong pinakawalan siya dahil na rin sa impluwensiya ng isang congressman. Ano ang ugnayan ng congressman at ng Aleman? Paanong nakalusot at pinayagan ito ng mga awtoridad?
Habang hinahanap ni Anthony ang sagot, bubuweltahan naman ni Julius Babao ang isang nagpapanggap na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagbebenta ng pekeng NBI ID sa halagang P500 hanggang P1,500 lamang. Bukod sa hindi lehitimo ang nasabing ID ay nagagamit din ito diumano sa pangongotong.
Samantala, isang health and wellness spa ang ire-raid ng CIDG-Camp Crame kasama si Pinky Webb matapos makakuha ang XXX ng sumbong na may panandaliang aliw umanong nagaganap sa pagitan ng mga masahista at mga parokyano nito.
Tunghayan ang buong ulat sa XXX ngayong Lunes (Sept. 24) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN, o sa panoorin ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) ng 9:15 p.m.
- Latest