Kuya Kim, Slater, at Divine sasabak sa Ocean Adventure
MANILA, Philippines - Isang exciting ocean adventure ang naghihintay sa inyo ngayong Linggo (Sept. 16) sa Matanglawin dahil makikipag-bonding si Kuya Kim Atienza at ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Slater Young at Divine Smith sa mga seal.
Magpapakitang-gilas nga ang mga talentadong seals na hindi lang kayang maglakad gamit ang kanilang hindi flippers pero kaya rin balansehin ang bola sa kanilang mga ilong at makipaglaro ng fetch tulad sa mga aso.
Paano nga ba sila natututo ng tricks? Diyan sasabak sina Divine at Slater dahil aaralin nila kung paano nga ba magsanay ng isang seal.
Siyempre hindi matatapos ang adventure na walang gagawing kapangahasan mula kay Kuya Kim kaya naman bababa ang Trivia King sa ilalim ng dagat para magpakain ng mga pating.
Huwag palalampasin ang Matanglawin ngayong Linggo (Sept. 16), 9:30 a.m., sa ABS-CBN.
- Latest