^

PSN Showbiz

Mommy Nadia nasa Amerika, kasong perjury ni Ynna inakyat na sa korte

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Bukod sa mga hindi ordinaryong kuwentong ilalahad sa H.O.T. TV, muling binalikan nina Regine Velasquez at Aga Muhlach ang kontrobersiyal nilang video at hinarap ang kahulugan ng kanilang pirma.

Pag-usapan din ang mainit ngayon na Oppa Gangnam Style ng Korea na sikat na sikat na dito ngayon.

May kuwento rin si Raymond Gutierrez nang na­kor­ner nito sina Phillip Phillips at Jessica San­chez ng American Idol.

Abangan ang mga maiinit at hindi or­di­nar­yong kuwentong ihahain ng H.O.T TV mamayang hapon pagkatapos ng Manny, Many Prizes.

PAK: Nasa Amerika pa si Nadia Mon­tenegro kaya hindi ito nakapagbigay ng pahayag tungkol sa desisyon ng fiscal sa Pasig City na inakyat sa korte ang kasong perjury na isinampa ni Annabelle Rama laban kay Ynna Asistio.           

Ipinasa na lang kami ni Nadia sa ka­ni­lang abogado pero as of this writing, wala pa ring sagot sa amin si Atty. Maggie Abraham.           

Hindi naman nagkomento si Ynna tung­kol dito. Mas abala siya sa nalalapit niyang 21st birthday celebration.

BOOM: Lumabas na ng St. Luke’s hos­pital si Katrina Halili nung isang hapon pagkatapos niyang iniluwal ang baby girl nila ni Kris Lawrence.

Ayon kay Katrina, wala siyang ma­pag­­sidlan ng tuwa nang nakita niya ang kanyang baby. Hindi niya ma-explain kung gaano siya kasaya kaya gusto muna niyang mag-concentrate sa pag-aalaga sa kanyang baby Katrence.

Magpapayat pa raw muna siya bago siya bumalik sa showbiz kaya next year pa ito kapag okay na ang katawan niya.

Sa January na pabibinyagan ang baby at meron na silang naisip na ninong at ninang. Ang tiyak na isa sa mga ninang ay si Marian Ri­vera at ninong din ang best friend ni Kris na si JayR.

Hindi na nagkomento si Katrina sa pagbati sa kanya ni Hayden Kho, Jr.

AGA MUHLACH

AMERICAN IDOL

ANNABELLE RAMA

HAYDEN KHO

JESSICA SAN

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

MAGGIE ABRAHAM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with