^

PSN Showbiz

Regine walang pakialam sa halikan nila ni Aga kahit kaharap si Charlene

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Kasama ni Aga Muhlach ang asawang si Charlene Gonzales sa premiere night ng Of All the Things last Friday sa SM Megamall, Mandaluyong City. Naroon din ang ama ng actor-turned politician para mapanood ang third team-up nina Aga at Regine Velasquez.

Sayang at wala si Ogie Alcasid dahil may sakit ito, hindi tuloy nakita ang husay sa comedy at pagbitaw ng punchlines ng asawa. Pero kahapon umalis sina Regine at Ogie tungong Singapore to meet Ogie’s kids at para makita ng mga ito si Baby Nate.

’Katuwa ang tao dahil kahit alam na present si Charlene, nagsigawan at tila tinutukso sina Aga at Regine sa kanilang kissing scenes, eh si Songbird pa naman, pagdating sa kissing scene, walang pakialam.

Showing na sa Sept. 26, ang Of All the Things at sana masundan pa ang pagtatambal nina Aga at Regine na ang isa sa mga panlaban ng tambalan ay ang very strong chemistry!

Samantala, napag-alaman namin na hindi talaga lalabas sa Sarap Diva show ni Regine ang anak na si Nate at ang pet dog niyang si George. Digital Nate at digital George lang ang lalabas, kung paano ito gagawin, panoorin ang show starting Oct. 6, bago ang Eat…Bulaga.

Mark Bautista

mukhang bansot pag kasama

si Gwendolyn

 

Hindi lang sina Regine Velasquez at Aga Muh­lach ang may chemistry sa Of All the Things dahil malakas din ang chemistry nina Re­gine at John Lapus. Kuwela ang mga eksena ng dalawa parang hindi umaarte at ’katuwa ang palitan ng punchlines.

Wala yata si John sa premiere night dahil kung nandoon, magre-react sa maling spelling ng apel­yido niya. “S” at hindi “Z” ang kanyang Lapus, hala!

Kasama pala ni Jay Perillo sa premiere night ng Of All the Things na si Gretchen Espina. Mas matangkad pala kay Jay ang nobya, sana sabihan niyang ’wag mag-heels ’pag magkasama sila.

Hindi nagpahuli si Mark Bautista na ka-date ang GF na si 2011 Miss World 1st runner-up Gwendolyn Ruais. Gaya kay Jay, sabihan din ni Mark ang GF na ’wag magsusuot ng mataas na takong ng shoes ’pag magkasama sila.

Lahat magaling sa Of All the Things at muling nagpamalas ng husay sa pagdidirek si Joyce Bernal. Tama ang sabi nitong “actor” at “actress” sina Aga at Regine lalo na sa breakdown scene ni Aga, palakpakan ang tao!

Kc pumatol na rin sa bashers,

ginaya na si Sharon

Ipinagtanggol ni KC Concepcion ang inang si Sharon Cuneta na kinuyog ng bashers/haters dahil sa sinabi sa isang interview tungkol sa bagong manliligaw ng anak. Akala ng mga nakabasa, may pinariringgan si Megastar, in fairness, hindi ito nagpatalo at sinagot ang mga umaway sa kanya sa Twitter.

Heto ang sagot ni KC sa mga patuloy na umaaway sa ina: “My mom KNOWS EVERYTHING that happened to me last year. THE BASHERS DON’T. So they can’t blame my mother from being pissed.”

In Italics ang tweet ni KC, ibig sabihin, galit din siya sa bashers ng ina.

Pinasalamatan ni Sharon ang anak sa pagtatanggol sa kanya pero tiyak na nababasa nilang dalawa ang comment na sana pagpahingain na nila ang issue na last year pa nangyari. May nakapansin tuloy na kung gaano katahimik si Piolo Pascual at ang kampo nito, sina KC at Sharon nama’y ayaw pa ring kalimutan ang nangyari.

vuukle comment

AGA

AGA MUH

AGA MUHLACH

ALL THE THINGS

BABY NATE

CHARLENE GONZALES

MARK BAUTISTA

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with