^

PSN Showbiz

Katotohanan pinanghahawakan Derek ayaw nang pag-usapan si John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Matagal-tagal na ring magkahiwalay ang dating mag­kasintahan na sina Derek Ramsay at Angelica Pa­nga­niban pero hindi pa rin matigil ang mga isyu na nag-uugnay sa dalawa. Ayon sa aktor, hindi na dapat ungkatin pa ang nakaraan ng dalawa lalo pa’t naka-move on na sila.  

“Seven months na ’to, we’re both happy. She’s happy. Bakit ang dami pa ring lumalabas na isyu? Ang pangit ’di ba? I don’t want to talk about it. Even though ako ang nagmumukhang masama. I don’t need to defend myself. I know the truth,” seryosong pahayag ni Derek. 

Wala namang problema sa aktor ang relasyon ni Angelica kay John Lloyd Cruz ngayon. “I’ll stand by what I said about John Lloyd, I have nothing against John Lloyd. Ayoko na pag-usapan kasi sinasabi, ako lagi ang nakikipag-usap about this. Let’s put it to rest,” giit ni Derek.

Samantala, ngayon ay ginagawa na ang bagong pelikula ni Derek na A Secret Affair kung saan makakasama ng aktor sina Andi Eigenmann at Anne Curtis. Kahit love triangle ang tema ng nasabing proyekto ay malaki naman ang pagkakaiba nito sa No Other Woman na unang ginawa nina Anne at Derek noong isang taon.

“Ipapakita rito ’yung weakness ng lalaki. Plus, two beautiful women na magkaibigan fighting over one person. I can’t really go into details about the story because I might give it away because I’m excited about it. But my character here is different from No Other Woman. Mas bata ako rito eh, kahit tumatanda ako,” natatawang pahayag ng aktor. 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag­ka­sama sa isang pelikula sina Andi at Derek.

Melissa raratsada na

sa pagpapa-sexy

Matapos mag-pose ng sexy para sa isang men’s magazine si Melissa Ricks ay may posibilidad na muli itong gawin ng dalaga.

“Kung may ibang offer we’ll see, you never know. Maybe not just for a men’s magazine, you know other magazines. I am also looking forward to shooting for other magazines as well,” pagtatapat ni Melissa.

Ano kaya ang naging reaksiyon ng kasintahan ng dalaga na si Paul Jake Castillo nang makita ang kanyang sexy pose na ginawa para sa magazine?

“Siyempre I had the first copy and when I showed it to him ’yung reaction niya was ‘maganda’ that’s all he said. One word ‘maganda’ and with that word okay na ako,” kuwento ng aktres. 

Noong una ay kinabahan pa si Melissa sa magiging reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagpo-pose ng sexy.

“Siyempre I was scared about how people would see me or how they would approve of me going a little bit risky and they embraced it naman. Natuwa naman sila so I was very happy,” kuwento pa ng dalaga. 

Posible na muling tumanggap ng mga daring role sa telebis­yon si Melissa lalo pa’t maganda ang ibibigay sa kanyang proyekto.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

A SECRET AFFAIR

ANDI EIGENMANN

ANGELICA PA

ANNE CURTIS

DEREK

DEREK RAMSAY

JOHN LLOYD

NO OTHER WOMAN

SIYEMPRE I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with