^

PSN Showbiz

Snow World ng Star City, lalaban sa World Ice Art Championship

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Magpapadala ng isang team ng ice carvers ang Snow World Manila ng Star City sa Alaska para sumali sa kumpetisyon ng 2013 World Ice Art Championship na gaganapin sa Alaska si­mu­la sa February 26, 2013. Sinabi ni Thomas Choong, ang president ng Winter Wonderland En­tertainment na siyang operator ng Snow World sa Star City na nakita niyang ang mga Pinoy na ice carvers ay may laban sa world championship, dahil ilang ulit na rin siyang naging judge sa nasabing kumpetisyon.

Sinabi ni Choong na sa pagsali sa ganoong kumpetisyon, mas makikilala ang mga Pinoy na ice artists at magiging daan iyon para makuha sila sa mga trabaho sa abroad. Sinasabi niyang naniniwala siya na ang mga Pilipino ay kabilang sa pinaka-mahuhusay na ice carvers sa mundo sa ngayon. Si Choong ang may ari ng Snow World na nakatayo rin sa iba pang mga bansa. Siya ang imbentor ng “snow making machine” na siyang ginagamit sa Star City.

Ang binubuong team ng mga ice carvers na Pilipino ay sinasabing aalis sa Enero ng susunod na taon para magkaroon sila ng pagkakataong ma­ka­pag-adjust sa klima sa Alaska bago ang kumpetisyon. Bago rin umalis ang team, gagawin din nila ang mas malaking Christmas display sa Snow World Manila. Ngayon sila rin ang gumawa ng mga kahanga-hangang ice carvings ng mga under sea creatures na siyang  tema ngayon ng Snow World.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ma­kakasali ang mga Pilipino sa World Ice Art Cham­pion­ship na ginaganap taun-taon sa Alaska.

ICE

PILIPINO

PINOY

SHY

SI CHOONG

SNOW WORLD

SNOW WORLD MANILA

STAR CITY

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with