Tsismis lang ang mga lumabas na mag-aala Lea Salonga, Jessica walang alok sa Miss Saigon
Mas lalo pang minamahal ng Pinoy fans ang American Idol runner-up na si Jessica Sanchez nang mag-guest ito ng Eat Bulaga at game na nakipaglaro sa mga Dabarkads. Ewan ko kung talagang dapat ay kumanta siya pero pinagbigyan niya ang hiling ng audience at seryosong nakipag-duet pa kay Allan K na biniro-biro lamang ang kanta. Sa Unang Hirit kasi ay nakita kong nag-guest si Phillip Phillips pero kahit binigyan na siya ng gitara ng mga hosts ay hindi pa rin siya napakanta. Samantalang si Jessica ay game na game sa EB.
Samantala, itinanggi ng Fil-Am singing sensation na lalabas siya bilang Miss Saigon. Tsismis lang ito na naririnig din niya pero wala siyang alok na natatanggap. Pagkatapos ng kanilang concert, hindi siya makakasama sa pag-alis ng American Idol finalists.
May gagawin pa siyang endorsements dito at habang naririto ay gusto pa niyang mapag-aralan ang kulturang Pilipino.
Tom nagka-career kay Aiza
Tatlong taon nang nag-aartista si Tom Rodriguez. Pero nito lamang makatambal siya ni Aiza Seguerra sa Be Careful With My Heart at saka pa lamang siya talagang napapansin. Napaka-cute ng mga role nila at hindi mo mapapaniwalaan ay magbibigay ng kilig sa manonood dahil alam naman ng lahat kung ano ang kasarian ni Aiza kung kaya ang dapat sanang paggi-guest lamang niya ng ilang araw ay na-extend at ngayon ay magpapabalik-balik siya ng show dahil may anak sila ni Aiza sa serye na nangangailangan ng isang father figure. Puro babae ang miyembro ng pamilya ng bata mula sa kanyang ina (Aiza), lola sa tuhod (Divina Valencia), Lola (Sylvia Sanchez), at tita (Jodi Sta. Maria).
Tama lang ang sinabi ni Aiza na masuwerte siya na nagkapareha sila. Nabigyan ng buhay ang kanyang career. What has taken him three years to do with his career ay sa Be Careful… pala mapapadali. Nano-notice na siya ngayon. People are starting to ask about him. Nakalimutan na nga nila na galing siya ng Pinoy Big Brother at nakapagbida na rin sa ilang projects sa ABS-CBN at Star Cinema, tulad ng Here Comes the Bride at Angelito Batang Ama.
Parang mas madali siyang nakikilala nang madisgrasya niya si Kute (Aiza) na nagbunga ng isang anak na lalaki. Sa prime tanghali serye lamang siya talagang nagmarka. Malabis ang pasasalamat ni Tom kay Aiza na aniya ay napaka-supportive at hindi madamot sa kanilang nga eksena. Maski siya ay aliw na aliw sa kanilang mga character.
Bukod sa pagiging isang aktor, kumakanta rin ang aktor na lumaki sa Arizona, USA kaya mahilig sa country music. Isa rin itong conceptual artist na mabilis gumawa ng portrait maski na sa laptop lamang. Nagawa nitong i-drawing si Boy Abunda habang ini-interview siya nito sa Bandila.
Kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang stage play na Aladdin. Ngayon lamang susubok sa teatro si Tom at excited siya.
Dennis at Glaiza may gagawing ikakabuwisit ni Bianca
Medyo may pagka-off ang role na gagampanan ni Marian Rivera sa pagsasa-Pinoy ng Koreanovelang Temptation of Wife na makakasama niya sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at ang bagong recruit ng Kapuso Network na si Rafael Rosell.
Isang babaeng naghihiganti ang role ng primetime queen at para siya mapansin kailangan ang effort na galingan ang kanyang pagganap ng kanyang role para hindi matabunan ng magagaling na sina Dennis at Glaiza na lalabas bilang mga kontrabida niya sa serye na magsisimula na next month.
Bukod sa kanilang napaka-bad na character, may mga intimate scene rin sina Dennis at Glaiza na hindi pagtatakhan ng lahat kung pagselosan ni Bianca King dahil talaga namang too daring and hot.
- Latest