Mabait pa naman aktor kinawawa sa rampahan, 'next please' ang sigaw ng audience
Kawawa pala ang isang aktor na rumampa sa Cosmo Bash noong Martes dahil “the who” ang reaksiyon sa kanya ng mga malditang audience.
Sumigaw ng “next please” at “fast forward” ang mga babae at vaklush nang rumampa sa stage ang aktor. Sa lakas ng sigaw ng mga hitad, imposible na hindi narinig ng aktor ang hurting comment ng audience.
May image na trying hard ang aktor pero isa siya sa pinakamabait na artista na nakilala ko. Ginagawa niya ang lahat para mapansin ng publiko pero dedma pa rin ang mga tao. Ang pagpapaseksi ang last resort ng aktor at kapag hindi pa siya nag-click, ewan ko na lang kung ano na ang mangyayari sa kanyang showbiz career. Baka hindi pa talaga ito ang panahon para magningning ang kanyang bituin na kulang sa kislap.
Babalik na lang ng HK manny pangilinan naiirita na sa mga intriga sa pulitika
May dahilan para mairita at magbanta si Papa Manny Pangilinan na babalik na lamang ito sa Hong Kong dahil idinadawit ang kanyang pangalan sa mga political issue na wala siyang kinalaman.
Kabilang ako sa mga milyun-milyong Pilipino na hindi papayag na bumalik sa Hong Kong si Papa Manny dahil kailangan siya ng ating bansa. Marami siyang natutulungan, hindi katulad ng ibang mga pulitiko diyan na mahusay lang sa pag-iingay.
Sumigla ang television industry nang bilhin ni Papa Manny ang TV5. Hindi lamang ang mga artista ang nabigyan ng trabaho dahil nakinabang din ang mga maliliit na television worker.
Kapag bumalik sa Hong Kong si Papa Manny, baka ilipat din niya roon ang kanyang mga negosyo at bad ito sa Philippine economy kaya sa mga nagdaramay kay Papa Manny sa mga kontrobersiya na walang basehan, please lang, tantanan n’yo na siya!
Cesar tuloy na kay Mayor Lim
Matutuloy pa ba ang filming ng life story ni Manila City Mayor Alfredo Lim na pagbibidahan ni Cesar Montano?
Natsismis noon na kakandidato si Cesar sa Maynila dahil madalas na nakikita na magkasama sila ni Mayor Lim.
Lumabas ang totoo na palaging may meeting ang dalawa dahil pinag-uusapan nila ang life story ni Mayor Lim na isasalin sa pelikula. Walang katotohanan na susubukan uli ni Cesar ang kapalaran niya sa pulitika.
Ilang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa nasisimulan ang shooting ng film bio ni Mayor Lim dahil ang filming ng El Presidente ang pinagkakaabalahan ni Cesar na naging visible sa TV nitong mga nagdaan na araw dahil sa promo ng Biktima.
Ang El Presidente ang filmfest entry ni Laguna Governor ER Ejercito sa 2012 Metro Manila Film Festival at si Cesar ang gaganap na Andres Bonifacio sa pelikula. May special participation naman sa El Presidente si Christopher de Leon.
Ogie nagkasakit kung kailan pa-Singapore
Not feeling well kahapon si Ogie Alcasid at bawal sa kanya ang magkasakit dahil ngayon ang Singapore trip nila ng kanyang misis na si Regine Velasquez at anak na si Nate.
Matagal nang naka-book ang Singapore flight ng Alcasid family at kung kailan malapit na ang kanilang pag-alis, saka pa nagkasakit si Ogie.
Looking forward si Ogie sa Singapore trip dahil dito sila magkikita ni Michelle Van Eimereen at ng kanilang dalawang anak. First time meeting pa naman ni Nate at ng kanyang mga Ate Leila at Sarah. Si Nate ang anak nina Ogie at Regine.
- Latest